Lakasan mo lang loob mo sis. Kahit ako before di ko naamin agad sa parents ko yung about sa pregnancy ko, kung di pa mismong mommy ko nagtanong sakin di ko pa masasabi. Inunahan din ako ng takot dahil sa disappointments na alam kong mafefeel nila sakin pero once nasabi mo na sis, laking luwag sa pakiramdam. Mas maeenjoy mo yung pregnancy mo kasi nasabi mo na sa magulang mo tapos eventually naka support na yan sila sayo.
Umiyak din mommy ko nung nalaman nya at di ako kinikibo pero kinabukasan nagpunta agad bf ko(buti GCQ na nun) at kinausap kami ng parents ko sa plan namin.
Nilatag namin yun at naging okay naman lahat. Siguro iassure mo nalang din sila sa plano nyong mag partner. Madidismaya talaga sila sa una pero tanggapin mo lang, magpakumbaba ka. Humingi ka ng pasensya at iprove mong kakayanin nyong mag partner yung responsibilities. :)
Siguro maiintindihan naman nila sis lalo na at may baby ng involved, di ka naman siguro papalayasin basta.
Pray lang din lagi! Sana maging na okay situation mo. 🙏