Gusto ko intimate birthday sa baby ko
Palabas lang ng sama ng loob. Yung asawa ko kasi usapan namin na mag mall nalang kaming mag iina at don nalang mag celebrate ng bday ng anak namin para less gastos na din at para makapag enjoy anak namin kasi birthday nya. E etong asawa ko di nya sinabi na inimbitahan nya yung mga katrabaho nya at mag iinuman pa. Inis na inis ako ang alam ko kami lang muna at kung maghanda man kami sa bahay e pansit lang pwede na. Ayoko kasi gumastos pa. Ang laki ng pamilya nya baka may masabi naman kung di sila imbitahan at yung asawa ko nagimbita ng katrabaho na di namin kapamilya. Pamilya ko nga di ko na inimbitahan kasi ang alam ko papasyal lang kami. Ang mahal na kasi ng bilihin ngayon .may budget kami pero maliit lang. Mas kinainisan ko yung makikipag inuman asawa ko. Ano yon birthday nya? Sya masaya? Sya mageenjoy? Anak lang ba nya yon? Anak ko din naman dapat pinapaalam nya muna kung may gusto sya imbitahan. Bilang mahiyain po ako alam nya yon sana din kinonsider nya. Masama ba ako? Mali ba to na gusto ko kami lang muna magcelebrate?