38 weeks and 4 days
Gusto ko lang po ishare ang mabigat na dinadala ko. Malapit na ako manganak pero di ko pa rin nasasabi sa tatay ko na buntis ako dahil nasa ibang bansa sya kasama ang pamilya nya, anak po kasi ako sa pagkabinata. Dito ako nakatira sa bahay nila ng kanyang asawa at mag-isa lang ako for the past 6yrs. Ako na lang bumubuhay mag-isa sa sarili ko di po ako pinapadalhan at hndi rin ako nanghihingi. Malayo din ako sa kamag-anak, literal na ako lang tlga. Alam niyang may boyfriend ako at ayaw nya sa bf ko, ung reason nya is for me di naman valid kasi may nakaaway sya noon na isang pamilya na kaapelyido lng naman ng bf ko at di nya kilala. Walang chance na makilala nya bf ko dahil nga malayo sila at di pa nya nakikilala, hinusgahan na nya agad. Ngayon buntis ako mag-isa lang ako sa bahay at yung bf ko di ako masamahan dahil ayoko din na maissue kami dto sa lugar namin dahil hindi ko naman ito bahay. Pero pinaladalhan nya ko at nagpaplano na magsasama na pakapanganak ko. Alam ko kasi na pag sinabi ko sa tatay ko palalayasin ako dahil laging yun ang nangyayari kapag may di kami pagkakaunawaan, lagi akong pinapalayas at kung anu-anong masasakit na salita ang sinasabi at sinasaktan ako. Sa tuwing pinapalayas niya ako di ako umaalis dahil ayokong umabot sa punto na di ko na makikota pa mga kapatid ko at sympre ayokong magkakalimutan na kami. Sa sitwasyon ngayon mahirap makahanap ng uupahan at natigil din ako sa trabaho dahil nga buntis. Ung lugar ng bf ko tawid dagat pa. Alam kong mali pero wala akong lakas ng loob sabihin sa tatay ko knowing na palalayasin ako kapag nalaman. Kahit sa mga pinsan ko wala pang nakakaalam. Nadedepressed na po ako 😭 Sana po wag nyo ko ibash. Need ko po ng prayers at words of encouragement. Thank you!