In laws and family
Hi momshies mag anonymous ako pero ask ko lang advice nyo and opinion. Sa totoo lang sobrang inis ako sa asawa ko masmadalas pa sya andun sa bahay ng pamilya nya kaysa dito sa bahay namin. Masmadami oras sya nasspend sa nanay tatay at mga kapatid nya. Hindi ko alam bat di nya kami maprioritize na una. Lagi nalang una nyang pamilya. Kami ng anak nya lagi nalang wala oras para samin. Nakakasama lang po ng loob normal po ba na ganto maramdaman. Ang mister nyo ba madalas din nasa mga magulang nya? Salamat.