39 weeks at the age of 24

Til now di ko pa din nasasabi sa tatay ko na buntis ako. Nasa ibang bansa na sya nakatira kasama ang pamilya nya. Pero umuuwi yearly. Kung hindi lang nagka-pandemic nakauwi na sya ngayon. Anak po ako sa labas at kasalukuyang nakatira mag-isa sa bahay nilang mag-asawa dito sa probinsya.  Natatakot ako dahil alam ko na kapag sinabi ko palalayasin ako at babalutin ng mura at baka mapauwi sya wala sa oras para palayasin ako (lagi po yan nangyayari) plano namin ng bf ko na umupa bago pa ako makapanganak. Kaso short sa budget dahil di ako makapag-work dahil buntis. Yung bf ko naman nawalan ng work dahil sa pandemic at kapos din ang pamilya. Di ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko nang makahinga ng maluwag. Sana bigyan nyo po ako ng payo at words of encouragement.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Lakasan mo lang loob mo sis. Kahit ako before di ko naamin agad sa parents ko yung about sa pregnancy ko, kung di pa mismong mommy ko nagtanong sakin di ko pa masasabi. Inunahan din ako ng takot dahil sa disappointments na alam kong mafefeel nila sakin pero once nasabi mo na sis, laking luwag sa pakiramdam. Mas maeenjoy mo yung pregnancy mo kasi nasabi mo na sa magulang mo tapos eventually naka support na yan sila sayo. Umiyak din mommy ko nung nalaman nya at di ako kinikibo pero kinabukasan nagpunta agad bf ko(buti GCQ na nun) at kinausap kami ng parents ko sa plan namin. Nilatag namin yun at naging okay naman lahat. Siguro iassure mo nalang din sila sa plano nyong mag partner. Madidismaya talaga sila sa una pero tanggapin mo lang, magpakumbaba ka. Humingi ka ng pasensya at iprove mong kakayanin nyong mag partner yung responsibilities. :) Siguro maiintindihan naman nila sis lalo na at may baby ng involved, di ka naman siguro papalayasin basta. Pray lang din lagi! Sana maging na okay situation mo. 🙏

Magbasa pa