Share your LDR Stories

tAp Mommies, posible ba talagang mag-tagal ang L-D-R (Long Distance Relationship)? Please share your tips and advice para sa mga kapwa mommies na hindi alam ang gagawin.

Share your LDR Stories
191 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

As for me. LDR kami ng partner ko. 3yrs then netong last na uwi nya nabuo na si Baby unexpectedly. Then sadly, after 4months saka ko nalaman may ibang babae na pala sya. Wala ginawa parents nya kasi malaki kita nya at nag bibigay si Ex sa family nya. Wich is parang pera pera nalang. Nag hiwalay kami when I found out. Then kalaunan lumalabas pa ako ung masama. Na kasalanan ko bakit kami nag hiwalay dahil tamang duda daw ako at hindi totoo na may iba sya. Even tho may mga proofs na ko na meron nga syang kinasamang iba while working abroad. The sad thing is, alam nya at sya lang din naka una sakin nung nag do kami. Tapos ngayon pinamamalita nya sa iba na hindi nya daw to anak. Which is masakit para sakin. So para sakin super hirap pag LDR, now I'm currently 35weeks pregnant. Kinakaya ung buhay kahit na walang father ung baby ko. But still wala akong pinag sisisihan kahit na nawala ung regularization ko sa work ko dahil nabuntis ako at sobrang selan na di ko na kinaya mag work. Kahit na sobrang na disappointed sakin ibang family members namin. Kahit na pinag chichismisan na ko ng ibang kapit bahay namin at ng ibang tao o mga ka batchmates ko. Ok lang. Kasi sobrang laking Blessing naman ung pag dating ng baby ko sa buhay namin. Wala man syang kilalaning ama sa ngayon alam ko dadating din ung tamang tao para samin na nilayo lang kami ni Lord sa maling tao kaya ganito ngyari samin pero still alam ko may reason si God kaya ganito ngyayari. And I'm super grateful din kasi sa kabila ng lahat ung mama ko naka suporta sakin from the start at kahit na alam ko mahirap hindi nya ko sinukuan ☺💛 Kaya mga momsh. Kung ano man po mga pinag dadaanan natin kayanin natin. Kasi lahat may dahilan, mag tiwala lang tayo kay Lord. Ngayon maaring dapa tayo at feeling useless pero soon at right time tayo naman ung tatayo at ibabangon natin sarili natin para sa anak at sa mga mahal natin 💛

Magbasa pa
6y ago

Godbless ❤️