Share your LDR Stories

tAp Mommies, posible ba talagang mag-tagal ang L-D-R (Long Distance Relationship)? Please share your tips and advice para sa mga kapwa mommies na hindi alam ang gagawin.

Share your LDR Stories
191 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Depende po sa mag partner. Kahit magkasama kayo or magkalayo, kung matatag ang love sa isa't isa at may commitment talaga, magtatagal ang relationship. It is not a question of distance but a question of faith. 🙂 Almost 2 Yrs LDR, college student pa lang po ako nun (20yrs. old) at si hubby (18yrs. old) ay out of school youth minimum wage earner. Everyone was against our relationship dahil sa living status difference, pinaghiwalay to make sure na makakapagtapos ako ng pagaaral at makakapasa sa CPA board exam. Unfortunately, I failed the board exam but I did not blame him. He did his best to support me emotionally and di sya naging sagabal sa pag aaral, instead, nagsikap siya sa work nya and nag grow as an individual. When I started working, mas napadalas ang pagkikita namin since he works at QC and I work at Makati. Kung kailan mas nagkakasama na kami, saka kami nagkaroon ng maraming problema at pagaaway, so it's not the distance talaga. Pero ending natanggap na sya ng family ko, we were married June 2019 aged 25 and 23 and will have our first baby this December. Stay faithful everyone! ❤️❤️

Magbasa pa