Halak/Ubo/Sipon

Hi. Tanong ko lang kung may same dito kagaya sa baby ko. Last month kasi first time sya sinipon so binigyan sya ng pedia ng nasal decongestant kaya after few days gumaling na yung sipon nya. After a week, nagkaroon ulit sya ng sipon at may ubo na din. Pinacheck up ko sya at first sa center pero sabi observe lang, after 5 days pinacheck up ko ulit sya kaso sa general doctor kasi yung pedia nya hindi available. Binigyan sya ng meds para sa ubo, sipon, then antibiotic. After 1 week wala na yung ubo nya pero parang may tira pang plema kaya niresetahan sya ng pang nebulizer for 5 days. After nun, Ok naman na sya. Pero today parang may halak nanaman sya at konting sipon. Naaawa ako sa baby ko na puro gamot na lang eh. Ano ba pwede ko gawin? Di kasi sya breastfeed kaya feeling ko ang dali nya sipunin kahit may vitamins sya. ? Advice naman po.

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ilang months na c baby? c LO q dn ganyan dati sipunin at ubohin. naawa ako kasi panay check up at resita ng gamot(antibiotics) natatakot dn ako baka everytime ngka sipon at ubo siya bka mag rely nlmg siya sa gamot kaya tnry q ung oregano buti at hiyang siya at d na siya nauubo at sinisipon ngaun thank God.. ps. ginawa q vit. ung oregano til now..

Magbasa pa