Stressful pregnancy
Super stressed po ako sa kapatid ko na babae 20 years old na sya and simula pandemic wala sya work. Hindi ko din sya maasahan sa gawaing bahay. Kapag hindi pa utusan di pa kikilos. Iniiwasan ko na magalit kaya hindi ko sya kinakausap. Pero siguro 2x a month kinakausap ko sya at nasisigawan sa galit dahil sa stress ko sa kanya. Natatakot ako baka makaapekto sa baby. Buntis ako mag 5 months na pero tuloy parin ako trabaho sa company sakin lahat gastusin. Nangungupahan lang kami dito sa Manila. Yung kapatid ko sarap lang sa buhay, nakaupo maghapon nagpupuyat kakaintrrnet at gastos ng kuryente, sakin lahat bayarin. Kaya feeling ko wala nakakaintindi sakin walang may pakialam. Please help! Hirap na ako pakiusapan kapatid ko na maghanap ng work. 😭