Maglabas lang ng sama ng loob..

Currently 38 weeks pregnant sa first, pero hindi maka pag stop sa work, punung puno pa din ng stress, currently working as HR Administrastor, and napaka stressful ng work. Kahit gusto ko na lumayo sa stress di ko magawa, kasi now ako lang din inaasahan sa bahay namin (not my LIP, may work sya). Nakakasama ng loob na yung mga kapatid ko na dapat tumutulong na sakin sa gastos sa bahay, mas pinili mag asawa, yung isa nag asawa (buntis din ngayon at early age) yung isa di na nag work kasi nag aasikaso ng asawa (wala pang anak). Kargo ko lahat ngayon. May dalawa pa akong kapatid na nag-aaral. Kargo ko bills and everything. Alam mo yung sarap tumalon na lang sa bangin para matapos na kasi bakit ako lahat. Porke maganda trabaho ko at malaki kinikita ng LIP ko akala nila marami kaming pera. Pag di naman mag abot, madamot. Saan ba ako lulugar. Di ko na alam. Next year plani na namin magpakasal at mag migrate sa China pero iniisip ko pa din gastusin nila sa bahay kasi wala talaga. Ang selfish ko ba na pinili ko na mag baby agad? 28 years old na ako, ayoko din naman mag baby ng late na. Di ko na alam. Nakaka stress. Sobra. #1stimemom

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mamshy magka same age lang tayo tamang edad lang yan nag baby ka na Hindi ka madamot, tama lang yan dahil sariling future mo naman na iniisip mo Bumukod na kayo ng partner mo, ituloy tuloy mo pa din suporta sa mga nag aaral mong kapatid Pero bumukod na kayo yun ang solusyon

Magbasa pa