Sobrng stress to the point na gsto ko na mawala si baby😭feeling ko hndi ako mggng mbuting ina sknya

Stress while Pregnant

75 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Dumating din ako sa ganyang sitwasyon, to the point na pakiramdam ko puro stress at sakit nalang nararamdaman ko. Pero sobrang iniwasan ko talaga mag isip na gusto ko nalang mamatay anak ko. Isipin mo nalang na yang batang dala dala mo e walang kamuang muang sa mga nangyayare sa buhay mo, walang kasalanan sa mga pagsubok na dumadating sayo. Ako mag 7mos na baby ko, until now stress padin ako sa husband ko to the point na gusto ko na makipaghiwalay, pero lagi ko parin sinasabi sa sarili ko at kay Lord na ingatan baby ko. Ayoko siyang maapektuhan ng dahil lang sa mga nararanasan ko sa buhay ko,gusto ko manatili siyang nakakapit sakin, manatili siyang malakas at lumabas siya ng normal. Kase lahat naman ng pagod at stress mo pag lumabas na yang baby mo, lahat yan mawawala. Sa kanya mo na makukuha yung pahinga na hindi mo makuha sa iba e. Sa kanya mo na makukuha yung lakas at sigla na wala sa ibang bagay o sa ibang tao. Tatagan mo lang, alam kong di ganun kadali pero malalampasan mo yan. Malalampasan nating mga mom's yang stage na yan. Pray ka lang, kaya mo yan! Cheerup! :)

Magbasa pa
Related Articles