Sobrng stress to the point na gsto ko na mawala si baby😭feeling ko hndi ako mggng mbuting ina sknya

Stress while Pregnant

75 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I've been there po. While I'm on my pregnancy period, ang daming nangyari sakin lalo na samin ng partner ko. Na talagang ikakasira ko at dumating din sa point na ganyan. "Sana hindi ko nalang hinayaan na mabuntis ako" "Sana iba nalang ama ng anak ko" "Sana makunan nalang ako para mapansin naman nila yung nararamdaman ko" Ang dami pong pumasok sa isip ko that time sa sobrang stress na rin po. Naisip ko pa ngang magpakamatay kaso naawa ako sa anak ko. Lahat ng "sana" ko pinagsisihan kong pumasok sa isip ko. Buti nalang hindi ako pinabayaan ni God kahit na feeling ko talaga wala akong kakampi sa mga panahon na yon. Kaya kapit lang po! Malalampasan mo rin yan. Anuman po yung pinagdadaanan mo ngayon, always remember po. WALA pong kasalanan si baby don. So please, wag ka pong mag isip ng ikakapahamak ni baby. One day mare-realize mo rin na tama lang na kumapit ka kahit ang hirap na. Kung need mo po ng kausap, nandyan po si God ready na makinig sayo. Hindi rin po ako paladasal na tao pero sa mga oras na nahihirapan ako, sa kanya lang po ako lumalapit. Hindi po instant ang sagot nya sa mga dasal natin pero maghintay ka lang po. Tyaga lang matutupad rin po mga dasal mo 🙏🏻

Magbasa pa
2y ago

Add ko lang po sa comment ko hehe. Ang haba na 😅 Hmm yung nararamdaman mo po part po yan ng pregnancy. May nakakaramdam po ng mood swings, insecurities at stress. Minsan, kung ano ano nalang po naiisip natin. Yan po ay depression sa mga buntis na normal lang pong nararanasan pero need pa rin ng tulong at gabay ng mga taong malapit sa inyo para hindi tumagal at lumala. After naman po nyan pag nailabas na si baby sobrang worth it po lahat ng yan. Kung mabigat na po iiyak mo lang then kausapin mo si God para gumaan ang pakiramdam mo. Be safe and healthy always mommy!

Related Articles