Sobrng stress to the point na gsto ko na mawala si baby😭feeling ko hndi ako mggng mbuting ina sknya

Stress while Pregnant

75 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

my pregnancy was unplanned. that time, nag-aaral pa ko and i was forced to stop my studies. sobrang stressed ko din that time. hindi ko alam gagawin ko at mas lalong wala akong idea kung pano maging mabuting nanay. pero nung nanganak ako at nahawakan ko ang anak ko, iba yung naramdaman ko. sobrang saya ng puso ko. by the time na nahawakan ko siya, para bigla na lang na alam ko yung gagawin ko sa kanya. alam ko yung mabuti para sa kanya. alam ko yung hindi. maraming nanay yung hindi binibiyayaan ng anak pero ikaw, you're blessed to have that little one of yours. pag nawala yan sayo, baka magsisi ka habang buhay. it's okay to be stress, it's okay to be sad pero wag naman sa point na pati baby mo idadamay mo. wala namang kaalam alam yang batang yan. it's your choice after all. kung ano man ang pinagdadaanan mo, isipin mo na lang na maraming tao yung merong mas mabigat pa dyan sa problema mo, na you're still blessed. don't lose hope mamsh. kaya mo yan. kayanin mo for your baby.

Magbasa pa
Related Articles