Sobrng stress to the point na gsto ko na mawala si baby😭feeling ko hndi ako mggng mbuting ina sknya

Stress while Pregnant

75 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sorry po mommy, pero mahiya ka sa sarili mo, sa baby mo, at kay God. Magpahinga ka at mag-isip ng mabuti. Ilang taon ako naghintay para sa baby ko. Maraming araw at gabi na umiiyak ako dahil sa stress na baka dahil may pcos ako 'di nako magkakaanak. pressured ako, dahil una ako nagpakasal pero di kami makauna sa pagkakaroon ng anak. Madaming simbahan na binisita ko, madaming santo na dinasalan ko. Madami beses nako pumunta sa OB, madami na din akong nainom na kung ano-ano. at madami akong kamag-anak/kakilala na kayang kayang bumuhay at magpaaral ng kahit sampung mga anak pero di sila nabibiyayaan. Laking tuwa at pasasalamat namin ng mister ko, na ngayon may 9 weeks na baby na'ko sa tiyan ko. Kabado ako nung wala pang nakikitang fetus, sobrang takot ko nung dinugo ako. Pero nagtiis at nanalangin na maging ok sya palagi. Sana'y maging ok kami hanggang sa tuluyan mabuo at makalabas sya. (Sorry emotional talaga ako kapag usaping ayaw magka baby, iniiwan/tinatapon/pinamimigay/sinasaktan mga anak nila.) Napaka swerte mo mommy. Wag mong sayangin yan. Ibinigay sayo yan dahil alam ng panginoon na para sa'yo yan. Maraming gustong-gustong mabuntis pero di nabibiyayaan. kung may problema ka man sinusubok ka lang nyan. Maging inspirasyon mo sana ang baby mo, hindi yung nadadamay sya sa stress na wala naman syang kinalaman.

Magbasa pa
Related Articles