RANT

sorry. di ko lang po mailalabas yung pagkairita ko sa mga bagay bagay.... nanganak ako cs at pinag bawalan ako nang ob ko gumalaw nang bongga.. ok. pero sapilitan parin akong gmglaw kase wala man lang tumutulong skin ni asawa ko na dapat tumutulong skin e nandun sa labas nakatutok sa phone at nag MML. di ako umiimik baka sakaling makiramdam man lang pero wala.. ni hindi man lang mabantayan si baby saglit para man lang makaligo ako sandali alam nyo naman naman na sobrang hirap gumalaw dapat dahan dahan lang pero no choice kailangan mabilisan talaga kahit na matrabho lalo na yung pag lilinis nang sugat. ??? naiiyak na ako. di ko na alam, naghalo halo na lahat pati puyat... ako lang ang nagpupuyat di ko na sya ginigising kahit antok na antok na ako,kahit na sarap sya sa tulog nya humihilik hilik pa pero kinaumagahan akala mo kung umasta sya yung napuyat at pagod... gigising diretso sa labas mag ML. nag rarant pa skin na natalo sya laro.. smantalang ako di makapag rant sknya na pagod na pagod ako gusto ko magpahinga... pag dasal nyo ako mommies na sana magbigyan ako ni lord na maraming maraming lakas at mahabang mahabang pasensya pa... feeling ko kase para akong bomba na onting mali lang sasabog na... gusto ko mag bakasyon o maka hinga naman nang onti para marefresh yung utak ko kase nag halo halo na e. pagod,puyat,stress, yung sakit.. halos di na ako makakain,pinipilit ko nalang para kay baby... advisan nyo ako ano ba dapat kong gawin para refresh utak ko.. ayoko makain nang sistema nang ganito..gusto ko iiyak pero baka makaramdam si baby nang lungkot kase sabi nila pag malungkot ang mommy mararamdaman ni baby... ang gulo gulo.????

51 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mommy pagsabihan mo asawa mo. Lalo na cs ka mahirap magrecover and bawal ka magbuhat ng kahit anong mas mabigat pa kay baby mahirap na pag bumuka tahi mo. Ang pag aalaga saiyong sarili ay kasing importante ng pag aalaga kay baby. Or ask help sa iyong mama or mga kamag anak. Importante yung makapag rest at makatulog ka.

Magbasa pa

Mommy i feel u, ako nga normal nanganak pero hirap kumilos, dapat talaga may kasalisihan ka magbantay man lng. Kausapin mo si husband if magrereklamo siya try mo muna humingi ng tulong sa mama mo o kninong pwede, bawal mastress pag kakapanganak ka pa lang, makakasagabal sa paggaling and breastmilk supply mo.

Magbasa pa

Pgsabihan mo po.. Ako nga ngayon 6mos.oa lng tyan ko cnbi ko na agd na.. Bka nman pahirapan mo ko baka mabinat ako. Cno mgluluto at mglalaba. Wla mg aackaso. Aun ok nman na. Wg ko na dw problemahin. Wla dw akong ibang ggwin kundi mgpadede lng at mg alaga ky baby.. Kulang lng yan sa sabi at pgpapa iintindi

Magbasa pa

Aw, sad. Sending my hugs to you momsh! Habaan mo pa patience mo, alam kong kaya mo yan. Sorry to say this pero komprontahin mo asawa mo pls, hindi pwedeng ganyan. Ilabas mo sakanya mga sama ng loob mo, para alam nya momsh. Lintek na ML kasi yan, sino ba nagimbento nyan hmp! Pray always momsh 🙏🏻❤️

VIP Member

ask for help sa iba, wag na sa asawa mo sis, sa mother u, or kapatid, etc. kht mga one month man lang dapat my kasama ka na tumutulong sau, napakahirap nyan, ako nga super tulong na sakin ng asawa ko, pero umiinit padin ulo paminsan minsan, buti mapag pasensya asawa ko.. kapapanganak ko lang din via cs

Magbasa pa

Wag mo intindihin sis isipin mo bonding nyo ni baby yan mabibinat ka lang!makakayanan mo yan CS din ako ako lahat kumikilos pero in moderation lang!samahan mo ng dasal at unti unting sabihin kay jowa mga hinaing mo maiintindihan nya yan kay siguro petiks lang jowa mo kay di ka nagdadaing!

VIP Member

Voice out your feelings sa asawa mo. Talk one on one, tell everything but not to the point na mag aaway kayo. Hindi man madali lalo na kapag ikaw yung tipo nang tao na tahimik, pero mag-asawa na kayo at lahat ng bagay dinadaan sa usapan, nagtutulungan at higit sa lahat nagdadamayan.

Nako momsh, kausapin mo ng maayos. Pero kung di nya kaya i let go ML nya sya ang I let go mo! Oo mahirap pero isipin mo nalang cs ka at may alagang bata tas siya walang pake? Ano sya? Kantot at mang bubuntis lang? Ate you deserve better. Dun ka muna sa parents mo.

Kelangan mo po magopen sa asawa mo Mamsh. Nako kun ako yan kukunin ko cp nya. Di naman sya aalagaan nan ML na yan pag nagkasakit sya o sa pagtanda nya. Wag ka matakot magsabe o mahiya sa kanya alangan naman na ikaw lang nahihirapan e pareho kayo magulang nan baby nyo.

I feel you momshie. CS din ako pero feeling ko superwoman ako sa pag aalaga kay baby. Kaya aun dumugo ung sa may tahi ko. Thank God lang okay na sya after 2 weeks. Masasabi ko lang mamsh lakasan mo pa loob mo. Isipin mo si baby. And pray ka lagi.