RANT

sorry. di ko lang po mailalabas yung pagkairita ko sa mga bagay bagay.... nanganak ako cs at pinag bawalan ako nang ob ko gumalaw nang bongga.. ok. pero sapilitan parin akong gmglaw kase wala man lang tumutulong skin ni asawa ko na dapat tumutulong skin e nandun sa labas nakatutok sa phone at nag MML. di ako umiimik baka sakaling makiramdam man lang pero wala.. ni hindi man lang mabantayan si baby saglit para man lang makaligo ako sandali alam nyo naman naman na sobrang hirap gumalaw dapat dahan dahan lang pero no choice kailangan mabilisan talaga kahit na matrabho lalo na yung pag lilinis nang sugat. ??? naiiyak na ako. di ko na alam, naghalo halo na lahat pati puyat... ako lang ang nagpupuyat di ko na sya ginigising kahit antok na antok na ako,kahit na sarap sya sa tulog nya humihilik hilik pa pero kinaumagahan akala mo kung umasta sya yung napuyat at pagod... gigising diretso sa labas mag ML. nag rarant pa skin na natalo sya laro.. smantalang ako di makapag rant sknya na pagod na pagod ako gusto ko magpahinga... pag dasal nyo ako mommies na sana magbigyan ako ni lord na maraming maraming lakas at mahabang mahabang pasensya pa... feeling ko kase para akong bomba na onting mali lang sasabog na... gusto ko mag bakasyon o maka hinga naman nang onti para marefresh yung utak ko kase nag halo halo na e. pagod,puyat,stress, yung sakit.. halos di na ako makakain,pinipilit ko nalang para kay baby... advisan nyo ako ano ba dapat kong gawin para refresh utak ko.. ayoko makain nang sistema nang ganito..gusto ko iiyak pero baka makaramdam si baby nang lungkot kase sabi nila pag malungkot ang mommy mararamdaman ni baby... ang gulo gulo.????

51 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ikaw nman kase mommy. May sama k na pla ng loob nanahimik ka pa. Utusan mo ung asawa mo hndi ung mananahimik ka. Ako nung after ko maCS sinabi ko tlga sa asawa ko tulungan nya ko. Sumunod nman. Kung hndi sakalin ko tlaga sya. Speak up sis

Ganyan din si hubby pero pag sinabi ko sa kanya na pagod na ko need ko na ng tulong nya magiistop naman cia maglaro. Kausapin mo nalang sya ng maayos kasi mas mahirap kun mapano kapa, bumuka yang tahi mo lalo na cs ka pa naman din.

Bka pwde mong contakin ang mom mo para matulungan ka sa baby mo. Mahirap pag ganyan di mkaramdam ang asawa mo. Bka magka post partum kapa sa sama ng loob .. mabuti ng may katuwang ka sa pag pupuyat mo. May ka halinhinan ka.

I feel you Mamsh ganyan na ganyan din Asawa ko adik na adik sa ML kaya lagi Kong inaaway pero di Naman siya umiimik tahimik lang siya pag pinagsasabihan ko siya todo alaga Kay baby at lambing naman sakin.

VIP Member

sabihin mo sa asawa mo nararamdaman mo pero kung nasabi mo na at ganyan pa din pasundo ka na sa parents mo mahirap ang cs baka mapwersa ka bumuka tahi mo.mas mabuti yung may tumutulong sa inyo mag ina.

Pero bago mo sabihan ang mom mo. Try to talk to ur husband muna bka naman pwde ka niang tulungan... kung ayaw dun kna mag decide humingi konting tulong sa mom mo para may tumulong sau sa Baby nio.

Maasikaso naman yung partner ko saken pero pag tapos non shaka sya mag MML. sabi ko sa kanya pag nanganak na ako at nakkita kong nag MML sya habang binabantayan nya baby namen. Lilipad cp nya..

Sabihan mo siya mamsh. Baka nag aassume sya na madali lang sayo ang lahat ng gawain kasi un din nakikita niya sayo. Kung saken yan babatuhin ko yan ng feeding bottle or diaper na may laman.

pag usapan po ninyo...hindi rin naman manghuhula nag mga partner or asawa natin sa nararamdaman natin kung hindi tayo magsasabi. stress lang po ang makukuha ninyo kung hindi pag uusapan

nakakaiyak naman. i can feel ur pain kahit sa kwento mo lang. kausapin mo sya baka sakali makinig. pag ganun pa din magpagaling ka lang then hiwalayan mo na yan ganyan klase ng lalake.