Lying in

Mga mamsh ask ko lang if pwede pa ba lumipat ng ibang lying in ? Kasi parang di ako comfortable sa Ob ko ngayon (midwife) 2nd baby ko na to first baby ko doon ko pinanganak anak ko then doon ko din sana ipanganak itong 2nd baby ko kaya lang iba na yung mag papa anak sakin yun nga yung OB ko di ako kumportable okay naman sya kaya lang pag nag papa check up ako ayun titimbangin nya lang ako and che check nya heartbeat ni baby tas BP tapos ayun isusulat nya lang sa record ko lagi nya lang sinasabi sakin na mag diet? althought sinusunod ko naman kaya lang iba pakiramdam ko di tulad ng naunang nag paanak sakin? and magulo sya kausap sa personal iba sinasabi sa chat iba din sinasabi ? kaya parang nawawalan ako ng tiwala tuloy.?

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same tayo hindi din ako comportable sa magpapaanak sa akin di siya makwento sa mga dapat gawin ako pa nagtatanong ..pero inistalk ko nalang kung ok ba sya magpaanak lahat inalam ko ..ok naman highly recommended kaya Go ako hindi na ako lilipat..tapos nalaman ko sa ibang lying in siya din pala nagpapaanak baka lumipat ako sya din magpaanak sa akin nakakahiya lang ako hehehe

Magbasa pa

Same. Pero ako kase ngayon 2 pinagchecheck-up-an ko. Lying in tsaka health center, kung wala naman problema and nakaayos na pwesto ni baby baka sa municipal health center nalang ako manganak 😅 when it comes kase sa environment ng pag aanakan same lang e. And sa municipal health center kase may ambulance na naka stand by.

Magbasa pa
VIP Member

Yes ok lang lumipat, karapatan mo un. Ako nga naka limang lipat na ako. 😅 Ung last ko sa hospital na. Basta make sure na may kopya ka lahat ng lab tests mo at baby book

ako After 7months lumipat na ako sa lying in wala naman problem kase hahabulin nalang sa record ung mga latest na lab at timbang noong unang check up

5y ago

Unang check up ko Sa barangay namin 7months na ako lumipat ng check up kase gawa ng sa bahay na ng hubbyko ako nakatira

Yes momsh better if lipat ka na lalo nat di ka comfortable sa kanya. and, napagod po ako magbasa hehe wala period, wala comma hehe

Ang alam ko po sa lying in dapat at least 2 months nakapagpacheck up kayo sa kanila tapos walang problema sa pagbubuntis

Pwede naman po kung di kayo comfortable. Mas masarap din kasi talaga mag pacheck up pag kampante ka sa ob mo eh.

going 7 months na po tummy ko anu po hinohingi nng Lying in po pag sa kanila ka na po nag pa check up po

5y ago

wala naman sis sila mag bibigay ng record sayo.

VIP Member

karapatan mo pumili ng OB mo. kng saan ka comfortable dpat pra smooth ang pregnancy mo. lipat k na po.

VIP Member

Yes mommy ako nakadalawang palit din dito sa second ko mas okay kasi kung kampante ka sa OB mo