Post partum Depression

I am 9 months post partum and until now di pa din ako nakatira sa partner ko. Palagi nya kong pinipilit na tumira na sa knila. Pero nag aalangan ako. Kasi lagi nyang sinasabi iba na ko dati nyang nakilala. Nuon, buhay prinsipe sya. Kung ano anong regalo binibigay ko sa kanya tuwing sasahod ako pero mula ng nabuntis ako, natigil na yun plus pandemic pa. Akala daw nya kayang kaya ko yung mga gastos sa anak namin. Nung nanganak nga ako, halos ako lahat nagbayad. Check up, gamot pati panganganak. Nagbigay lang sya ng 10k na share. Yung bill 78k. Wala pa yung mga gastos nung prenatal check up and all. Tuwing tinatanong lo sya how much na yung ipon nya, ayaw nyang sabhin pero yung ipon ko controlled nya. Dapat 4k kada sahod itabi ko kahit pa walang matira sakin pang gastos. Ako din kasi bumibili ng essentials ng baby namin madalas. Pag hinihingan ko sya ng budget, lagi nya sinasabi kaya ko yun. Pero di ko na tlga kaya. Tapos ngayon nagagalit sya sakin kasi di raw ako nakikinig. Lagi nga lang nya ko tinatawanan pag may sinasabi ako. Di ko na alam ano iisipin ko. Gusto ko ng makakausap. Wala akong mapaghingahan.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

sis bakit ganyan sya? lalaki sya, tatay sya ng anak mo. bakit parang iaasa nya sayo ang lahat? di ba dapat mas magsikap sya kasi may baby na kayo? ikaw ang magdesisyon sa pera mo, kasi ikaw ang kumikita nyan. ang saklap lang pag kinokontrol nya yung pera mo pero sya wala naman ambag. mas mabuti na di ka muna tumira kasama sya, kasi kung ganyan na nangyayari mas malala pag magkasama kayo. be strong sis. kung ganyan sya ka insensitive i push mong ilift ang sarili mo, kaya mo yan.

Magbasa pa