OGTT (9 WEEKS PREGNANT)

Sino nakaranas na dito mag OGTT? Sched ako bukas nakakasuka daw yung iniinom? ???

97 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako nung Thurs. Lang T-T di naman po nakakasuka yung Orange Medic po lasang Tempra po yung iniinom ng bata pag may sakit 😂 tapos ang tamis po sakit sa lalamunan, ininom ko na isang inuman. 4x pa ko kinuhaan ng dugo napakamalas ko kasi di magaling kumuha ng dugo yung nurse ko ilang beses tinutusok tapos wala lalabas kaya sa ibang parte naman kukuhaan ang end up sa kamay na ko kinuhaan sobrang sakit sa kamay 😭 hindi lang 4beses ako natusok haha mga 7beses, nag-pasa nga hanggang ngayon eh

Magbasa pa
5y ago

Opo depends po tlg sa gaan ng kmay at kng shooter kkuwa hehe

Mga momsh okay na po kakatapos ko lng knina mag OGTT. Sakto lng lasa ng akin at 50% lng kasi kaya keri ang tamis tapos lasang buko. Di sya gaya ng sa inyo na flavor orange tlaga kasi sakin pinagdala lang ako 500ml tubig tapos hinaluan lang nila yung matamis. Masarap lasang buko. Gusto ko pa nga humingi e HAHAHA! 😂😂😂

Magbasa pa

Napa resched ako kasi over fasting, dapat daw 6-8hrs lang. Pag lagpas na, overfasting na. 3 tapos kukunan ng blood and urine, kada oras dbale. Tapos sa first kuha, tsaka ka paiinom ng glucose (isang maliit na bote) within 5 minutes. Bawal isuka. After an hour, blood and urine na naman. and after an hour..

Magbasa pa

Sakin din 9 weeks pinagawa ni ob, kase tingin ko kung late na ipapagawa tapos meron pala kong gdm edi di naagapan agad diba? Tama lang na maaga pinagtake ng ogtt. Wala namang kaso yon, kukuhaan ka lang ng blood. Nkakasuka sya pero kaya naman, tiis tiis nalang hehe

5y ago

True po! Pwede nman sya maaga gawin pero usually tlaga mga 24 weeks na ata yan pinapagawa. Sakin ayos lng nman! 😊

VIP Member

Sakin 4x ako kinuhaan. 1 nung 8 hrs fasting. Tapos every hour after uminom nung napaka tamis na napaka sakit sa lalamunan na juice, kukuhaan ka ng dugo. Sabi sakin pag nasusuka o nahihilo ako, itulog ko lang kasi gisingin nalang daw nila ako.

VIP Member

Meeeee... Kakatapos ko lng ogtt. Hndi nman nkakasuka parang zesto na super tamis ang sakit sa lalamunan kasi sabi dretsuhin ko daw inom tas dpat saidin ung laman ng bote. Nakakagutom lng kasi khit tubig bawal muna. 😊 kaya mo yan mamsh.

5y ago

Masusuka ka lang kung iisipin mo.. Sayang bayad at fasting kung uulit lang dba...

VIP Member

Nakakasuka kasi para kang pinainom ng arnibal sa sobrang tamis. Naalala ko nung nagpa OGTT ako gusto ko nalang mag collapse sa ospital. Tatlong beses kinuhaan ng dugo at 1 hr ang interval tapos bawal ka uminom ng tubig 🤦

Masarap yung orange flavor. Kaso nakakaumay kaya may tendency na masuka ka tapos gutom ka din kasi wala ka pang kain. 3x with 1hr interval ka kukunan ng dugo after uminom. Kailangan di ka masuka kasi uulit ka.

hindi nakakasuka yung lasa, pero yung effect nung ininom mo nakakasuka. After mo sya maubos para kang may morning sickness nahihilo at naduduwal pero its normal. wag lang isusuka kasi uulitin ang inom.

Wag mo isipin na nakakasuka, kasi un ung mag tri-trigger na isuka mo siya, sobrang tamis niya. Pero di naman nakakasuka. Ang ginawa ko, di ako huminga nung ininom ko. Para tapos agad. 🤣