Money budgeting tips advice for first time mom💖

Hello mga mommy! Gusto ko lang manghingi ng advice and comfort narin at the same time🥺❤️ Kakaalis lang namin ng partner ko sa bahay namin dahil nag away kami ng mama ko. Pinalayas nila kami kahit alam nilang wala kaming ipon at buntis pa ako😔 Ang dahilan dahil dinabugan ko daw siya samantalang kami ang lagi nilang pinagkakaisahan sa bahay. Masama loob niya saakin dahil hindi daw ako nakatulong sakanya gusto niya bgyan namin siya ng pera. Pinalayas lang nila kami ng ganon ganon tinakot pa kami ng kapag hindi daw kami umalis ipapabrgy nila kami. Sobrang sama ng loob ko sa parents ko mga mommy parang hindi nila ko kadugo sa mga snabe nila samin at ginawa. Sobrang stress namin at nagdecide na kami na umalis kahit wala kami pera nakaupa kami ngayon. My work naman partner ko okay naman ang sahod kahit paaano. Ang problem ko na ngayon paano kami mgbbudget ng money, onti lang din gamit namin nag ddalawang isip ako ano po ba uinahin ko gamit sa bahay or kay baby muna? Sa oct. Pa naman EDD ko pero gusto ko na kasi mgpaunti unti bumili ng gamit ni baby🥺 I'm a first time mom. Need ko talaga ng tips how to budget sa mga wise mom out there.❤️ Please respect my post po sana Ty!

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mii, may mura onesie naman sa shopee 30 to 50pesos each bili ka kahit 7pcs lang ng 0-3mos tapos mga 6pcs ng barubaruan with pajama na, sa diaper naman abang ka lagi sa lazada or shopee ng sale minsan naka sale ang unilove,makuku at kleenfant. Mag save ka kahit 1k every month sa sahod ni hubby mo for baby needs, sa gamit naman sa bahay mahalaga lang naman rice cooker,maliit na kalat at gas, tapos tig isang plato baso at kutchara at maayos na higaan, i balance mo kung ano yung mas need nyo syempre at wag mo kakalimutan pag handaan yung panganganak mo ❤️

Magbasa pa
2y ago

oo nga no miii😊, napaisip nga ako dun sa 1k everymonth marami rami narin kami mabbili dun na gamit ni baby. Atsaka sa shapi nalang din ako mgtingin tingin ng iba pa need namin atleast makamura ako don minsan my sale pa. thankyou mii sa advice sobrang naappreciate ko😊❤️

Kung bibili kayo gamit sa bahay,unahin niyo yung magagamit niyo sa araw2x like kawali,rice cooker,plato kutsara etc. kung may mahahanap kayo na rice cooker or lutuan na 2nd hand much better yun makakatipid kayo. Sa gamit ng bby naman,kung meron man magbibigay ng baby clothes tanggapin niyo na malaking tipid din yun. Atsaka October pa nman EDD mo,2 beses sasahod Partner mo makakabili pa kayo kahit papano ng ibang essentials. Doble tipid lang tlga gagawin niyo. Kaya niyo yan sis.

Magbasa pa