hindi ka nyan mahal kasi kung mahal ka nyan hindi ka nya magagawang saktan kahit gaano sila kabwisit satin. Mapapagbigyan pa natin kung once tayo sinaktan pero kung paulit ulit na lang at paulit ulit paghingi ng sorry nonsense na rin yun pag iyak nya. Maybe way nya lang yun para maawa ka. Give up na at umuwi ka na sa magulang mo wag muna hintayin madamay anak mo.
Parang mali po momsh.Kase kung talagang mahal ka niya hindi niya yun gagawin sa iyo lalo pa at pregnant ka.Sana po isipin mo din sarili mo at si baby.Paano kung dumating sa point na sobra ka niyang na saktan at si baby e nag kasama din(huwag naman).Pag na ulit yan pananakit sa iyo hiwalayan mo na siya.Mahalin mo muna ang sarili mo,kayo ni baby.Opinyon ko lang po ito.
Sorry po ah pero aware lang po ako sa kalagayan nyo . tulad nga po ng sinabe ng ibang mommies dito what if po kung malaki na tummy mo tapos sasaktan saktan ka lang po ng asawa nyo? Hahayaan nyo nalang? Hindi na po healthy sa isang relationship yung ganyan. Nagkakasakitan na po kayo . Isipin nyo din po yung magiging kalagayan ng baby nyo. Just saying 😊
Pag nagagawa ng paulit ulit, wala ng chance magbago yan. Wag mo itolerate na ginaganyan ka lang. Wag mo intayin dumating yung time na pagsisisihan mong nagstay ka, lumayo ka muna, kung mahal ka talaga niyan at willing siyang magbago pakita niya muna bago ka bumalik. Love yourself first. Walang ibang mas magmamahal sa sarili mo kundi ikaw din. :)
I think your husband needs some medical attention. Di tama yang ginagawa nya, nambubugbug then magsisisi? Baka he needed some therapy or something. May issue sya on how to control his temper. And di yan tama kasi. Pwede yan sya makulong, lalo nat nagawa na nya yan sayo dati pa. Wag kang pumayag na magpabugbug ulit sis. Kawawa yung baby and ikaw.
Momshie, once n nasaktan k n physically ng lalaki,uulit at uulit yan,trust me.nangyari n yan saken bugbog sarado ako s harap ng anak ko.bayolente ung ganyang lalaki makakamove on ka rin momshie ...ako ngaun iba n partner ko and magkakaanak n rin kami.wag mong hayaang sinasaktan ka lng,u don't deserve it, he doesn't deserve u.laban lang momsh😊
Sis may problema sa utak asawa mo (sorry for the word). Dpat bago dumapo sa katawan mo ang kamao nya inisip nya na agad yung sinabi sa kanya ng parents mo. Mag-isip ka habang simpleng galos pa lang ang inaabot mo. Alam ko walang perpektong relasyon at tao pero sana sis wag kang magsettle sa relasyong ikaw lang nagmamahal.
Laka pagmamahal ba tawag MO Jan sa asawa MO sinasaktan ka? Kalokohan may pagmamahal Pala na sinasaktan ka? Iwan MO Yan mabuti pa!!! D ka mahal nyan sus maniwala ka saakin. Hayop na Yan ako ganyanin nya uuwi siyang bitbit nya ulo nya😠😠galit ako sa mga guy na nanakit NG asawa Nila.. Wag nman mangyayari saakin
At the first sign of abuse, leave. Sorry to say this, momshie, pero dapat mo na siyang iwan. Hindi magbabago yan. Save yourself and your baby, wag kang maawa. If he's really sorry hindi niya na sana inulet mula pa noon. Alam niya na na pwede niyang gawin at papatawarin naman siya pag umiyak siya. Just leave.
Kahit iyakan ka niyan kung paulit ulit ka din nman sinasaktan eh wala din. Consuelo de bobo tawag dun. Ginagawa ka lng niyang punching bag. Okay lang sana kung di ka buntis kahit mag suntukan kayo ayos lang. Anyway ikaw naman magdedesisyon. Kung willing kang danasin din ng anak mo yung sitwasyon mo ngayon.
Tama
Sara