FABELLA MANILA

Sino yung nagpapacheck up dito sa Fabella Manila? Palabas lang ng sama ng loob mamsh. Last check up ko nung Sept.4. Transfer patient lang po kasi ako sa fabella manila from Cavite. Tinanggap naman nila ko since may referral din ako. Ayun na nga 2nd check up ko is yung Sept.4 nga. Nung tapos na ko ibp, weight, check ng heartbeat ni baby next na is consultation sa Dr. SHOUT OUT SA SA DR. PARANG TIBO NA NAKASALAMIN SA DULONG UPUAN. halos ipahiya nya ako sa ibang pasyente don, at sisigaw sigawan. nung chineck ko kasi envelope ko wala yung request don ng isang dr. para sa ogtt at hiv test. nung sya ang tumingin ng envelope ko andon. nakasingit pala sa ibang papel. kaya humingi ako agad ng sorry na di ko na pansin. tanggap ko naman pagkakamali ko. PERP SYA SINIGAW SIGAWAN NYA AKO AT PINAGBABALAGBAG NG LAPAG YUNG MGA DOCUMENTS KO SA LAMESA NYA. TAPOS MAY HALO PANG PAGTAWA AND KINUKUHA NYA MGA SIMPATYA NG IBANG PASYENTE. kaya sabi ko balik nalang ako after ko magpa lab. pumunta ako sa SWA kasi medyo pricey yung lab. tapos nung nabigyan na ko ng form sa SWA kumuha daw ako doon nga kay ng medical abstract pagpunta ko don wala daw balik nanaman ako sa SWA. pabalik balik ako halatang pinapahirapan ako ng DR. na yon naawa na nga sakin yung SWA kasi masakit na rin tyan ko. pigil nalang yung luha ko nun mamsh. Tanong ko lang po sa susunod na itrato nya ko ng ganon pwede ko na ba sya ireklamo sa Munisipyo ng Manila?

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

tyagaan lang sis ako nung nakunan ako dinala ako sa public sa Amang Rodriguez kasi no choice yun pinakamalapit na hospital di ko na kasi kaya talaga mawawalan nako ng malay. Dalawa lang kami ng asawa ko. Nakita na nila dinudugo ako ng balde balde hala pt daw muna. Tas pinahiga lang ako 5 ob nasa harapan ko pero chismisan lang sila. Pag ka upo sa kin sa wheelchair si kuya na magdadala sakin sa E.R juskooo akala mo may hawak na food cart at nakikipag racing. Di nakita ng asawa ko may pinaayos kasi sa kanya na papers muna. Pag dating sa ER, nasa tapat ako ng aircon. Naka diaper na galit na galit sila kasi ungol ako ng ungol sa sakit, at nadudumihan ko yung higaan yung diaper kasi puno na. Numg may nagcheck sakin tinanong info natawag ko na "Maam" ang sabi sakin, di mo ko teacher. Jusko nagsorry nalang ako para asikasuhin ako. Tapos nagpaalalay ako kay kuyang nurse para makalipat ng higaan kasi raraspahin nako. Sabi ba naman, " Eh kaya mo naman pala eh tinawag mo pa ko😢😢😢Kinwento ko sa asawa ko yun paglabas galit na galit. Kaya nung nabuntis ako, nag ipon talaga sya ng pang panganak sa private. Kasi nakita nya dinamas ko dun eh.

Magbasa pa