FABELLA MANILA

Sino yung nagpapacheck up dito sa Fabella Manila? Palabas lang ng sama ng loob mamsh. Last check up ko nung Sept.4. Transfer patient lang po kasi ako sa fabella manila from Cavite. Tinanggap naman nila ko since may referral din ako. Ayun na nga 2nd check up ko is yung Sept.4 nga. Nung tapos na ko ibp, weight, check ng heartbeat ni baby next na is consultation sa Dr. SHOUT OUT SA SA DR. PARANG TIBO NA NAKASALAMIN SA DULONG UPUAN. halos ipahiya nya ako sa ibang pasyente don, at sisigaw sigawan. nung chineck ko kasi envelope ko wala yung request don ng isang dr. para sa ogtt at hiv test. nung sya ang tumingin ng envelope ko andon. nakasingit pala sa ibang papel. kaya humingi ako agad ng sorry na di ko na pansin. tanggap ko naman pagkakamali ko. PERP SYA SINIGAW SIGAWAN NYA AKO AT PINAGBABALAGBAG NG LAPAG YUNG MGA DOCUMENTS KO SA LAMESA NYA. TAPOS MAY HALO PANG PAGTAWA AND KINUKUHA NYA MGA SIMPATYA NG IBANG PASYENTE. kaya sabi ko balik nalang ako after ko magpa lab. pumunta ako sa SWA kasi medyo pricey yung lab. tapos nung nabigyan na ko ng form sa SWA kumuha daw ako doon nga kay ng medical abstract pagpunta ko don wala daw balik nanaman ako sa SWA. pabalik balik ako halatang pinapahirapan ako ng DR. na yon naawa na nga sakin yung SWA kasi masakit na rin tyan ko. pigil nalang yung luha ko nun mamsh. Tanong ko lang po sa susunod na itrato nya ko ng ganon pwede ko na ba sya ireklamo sa Munisipyo ng Manila?

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

tyagaan lang sis ako nung nakunan ako dinala ako sa public sa Amang Rodriguez kasi no choice yun pinakamalapit na hospital di ko na kasi kaya talaga mawawalan nako ng malay. Dalawa lang kami ng asawa ko. Nakita na nila dinudugo ako ng balde balde hala pt daw muna. Tas pinahiga lang ako 5 ob nasa harapan ko pero chismisan lang sila. Pag ka upo sa kin sa wheelchair si kuya na magdadala sakin sa E.R juskooo akala mo may hawak na food cart at nakikipag racing. Di nakita ng asawa ko may pinaayos kasi sa kanya na papers muna. Pag dating sa ER, nasa tapat ako ng aircon. Naka diaper na galit na galit sila kasi ungol ako ng ungol sa sakit, at nadudumihan ko yung higaan yung diaper kasi puno na. Numg may nagcheck sakin tinanong info natawag ko na "Maam" ang sabi sakin, di mo ko teacher. Jusko nagsorry nalang ako para asikasuhin ako. Tapos nagpaalalay ako kay kuyang nurse para makalipat ng higaan kasi raraspahin nako. Sabi ba naman, " Eh kaya mo naman pala eh tinawag mo pa ko😢😢😢Kinwento ko sa asawa ko yun paglabas galit na galit. Kaya nung nabuntis ako, nag ipon talaga sya ng pang panganak sa private. Kasi nakita nya dinamas ko dun eh.

Magbasa pa
VIP Member

Mamsh, experience ko jan, SA check up talaga mahahalata mo na mainit ulo NG ibang doktor dahil na din cguro SA pagod, SA Dami ng patients na chinicheck up nila araw araw, Yung sermon nila is para din SA mga mamshies.. dapat organized tayu SA papers natin para di tayu mag cause NG delay kasi madami nga pong patients.. tsaka Kung Anu Lang itanung nila un Lang sagutin natin Kasi sermon ulit pag nag talambuhay ka.. oo na sermonan din ako.. malakas din boses nya . . I felt that pamamahiya, pero nung nag usap sila NG Isa pang doktor, I knew na napapagod din pala sila .. Kaya pinag pasensyahan ko lng din.. The day na manganak Naman ako, mabait na silang lahat . . Pati assigned doktor sayu mabait.. Kung anung date ka pinababalik un ang sundin .. para d maawala ung records mo at mahalo SA ibang team NG doktor and nurse.. Yun lng mamsh.. kelangan sundin natin lahat NG maayos at Tama para walang aberya.. yung pagiging maramdamin natin Kasi pag buntis di talaga mapipigilan.. pag pasensyahan mo na lng sila mamsh .. promise pag manganak ka, mabait talaga sila..

Magbasa pa

Ganun talaga karamihan dyan sa Fabella.. Pero may iba naman na matino.. Kung nasa katwiran ka nman mommy wag kang matakot isalaksak sa mukha nya yung docs... Well it happens na, kasi tingin nila kapag don ka nirefer sa kanila wlaa kang kakayanan magbayad.. Sakin sa panganay ko dyan din ako nirefer kasi kulang sa facility yung hospital na pinapacheck upan ko dito sa QC.. Highblood kasi ako. Iba nman experience ko dyan yung nagtutulak ng wheel chair ko na parang janitor nila bigla hinawakan yung dede ko kung may gatas na ba daw.. Ay talagang pinagmumura ko sya, hindi sya doctor at wala syang karapatan na hawakan ako sa maselang bahagi..Ayun pinagalitan sya ng doctor kasi may mga ginawan na din pala sya ng ganun before ako

Magbasa pa
5y ago

Yes po lalaki

Ganun po tlga kahit sa iba public hospital, jan ako nanganak 12yrs ago kasi walang wala kmi nun, lumipat ako 7mos n tyan ko pro tinanggap p din nman ako..pasensya po tlga kelangan mo pro nung nanganak nmn ako, okay nmn, pinilit nila normal delivery un akin kahit di ko mailabas baby ko, forcep nila ko wag lang ma-CS. So far ok nmn po..sanay ako sa kalakaran ng ospital, private or public, with HMO or charity, labas pasok kc parents ko sa ospital nung buhay p sila...and to be honest, tyagaan at pasensya lng po tlga..sa sobra dami pasyente sa govt/charity, pagod po tlga sila kya intindihin ntin..kng gusto po mas komportable, sa private po tlga..hindi lng sa Fabella gnyn, kahit sa ibang govt hospital

Magbasa pa

Sis pwede Mo siya ireklamo mismo sa hospital. My kiosk or may ARTA( Anti Red tape Act) Po Ang mga govt. Hospital pwede k magtanong at directly dun mag reklamo para makarating sa head ng hospital ginawa sayo.. pagagawain k ng formal complaint regarding sa Dr. Then iimbistigahan nila Yan. Pwede k mag follow up sa knila regarding sa complaint mo. Ngaun Kung wla aksyon I lista mo date kelan nangyari, San ka lumapit Sino kumuha ng complaint mo.. then gawa ka detailed n nangyari at Kung kelan ka nag follow up , ano sinabi sayo, Sino ung staff n kumausap sayo. Ireklamo mo mismo sa DOH. Mas mabilis un kesa sa munisipyo kc ibabagsak din nila sa hospital ung reklamo mo.. why not dumiretso k n lng.

Magbasa pa
VIP Member

Sis ako sa fabella nagpapacheckup 5months na tyan ko nun ng magpacheckup, kasi preferrd ko talaga sa lying in manganak kaso si philhealth nagbaba na ng memo na daat hospital, so ayun na nga grabe din sermon sakin nun nagulat ako kasi diko expect yun diko nalang masyado pinansin tinitingnan ko lang yung doctor na nagiinterview kasi iniisip ko nalang yung baby ko, sabi din ng mga kakilala ko na wag nalang pansinin ganun daw talaga pero di naman lahat may doctor din na mabait, nasa sayo nalang kung sasagutin mo or babarahin pwede naman para matauhan din, sa sunod pag ganun pakita mo nalang na may katarayan kadin hehe kasi nun pinakita kong naiirita ako kaya tumigil din sya, 😁

Magbasa pa

Ganyan po tlg sis sa mga public hospital.. nakakastress minsan, gawa ng toxic ung trbho nila.. sa sobrang pagod at puyat nila ganyan sila kung makasigaw sa mga pasyente wala ndin respeto sa kapwa tao hays.. pero may mga doctor pdin naman na mabait.. ung kptid ko nagpublic dn nun grabe tlg dinanas nya nakikita ko, kaya nag ipon sya sa private na sya ngayon nagpapacheck up.. ako din cnbhan nya mainam sa private kaya sa private ako nagpapacheck up..ipagpray mo nlng ung doctor na un sis

Magbasa pa

Sa public po talaga madaming ganyan at hindi maiiwasan.. since madaming pasyente lagi at nagmamadali mga doctor, gusto nila ung attentive at mabilis din kumilos ung pasyente.. minsan kaya nagbabago din mood ng doctor kasi may mga pasyente din na iba na makulit at pasaway, baka nataon po na nung turn nyo eh di pa nahupa ang inis ni doc..

Magbasa pa

Mamsh i understand po ung nararamdaman mo...pero bawal po sa batas na imention sa social media ang name ng doctor eh....sa proper authorities lang po pwede ispecify name ng doctor thru your formal complaint.

Ako po sa fabella nag paoacheckup pru d gnyan yung dr. Ko.. Dapat nangatwiran ka momsh. Iba usapan kc pag lam ku na nkakabastos na.