SAMA NG LOOB SA ASAWA ‼️

Nagpapasama lang naman Ako magpa check up Kasi para Makita nya Yung baby namin 22 weeks pregnant na Ako Kasi don sa pinag checheck upan ko tuwing check up may ultrasound at makikita mo si baby . Ang sabi nya Nung mga nakaraan na Araw sasamahan Ako tapos ngayon Hindi n daw dahil sa TRABAHO . .. ngayon lang ulit Ako nagpasama ang sagit nya lang Sakin .. MAY PAA KA NAMAN AH. WALA KA BANG PAA PARA DI MAKAPUNTA MAG ISA. !!! naiiyak Ako Kasi pakiramdam ko wala syang pakialam .

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sana sinagot sagot mo. Huwag mo itolerate ganyang pananalita ng asawa mo kasi masasanay ‘yan at mawawalan talaga ng respeto. Kuya ko nun kahit galing sa trabaho na night shift e minsan makikipag meet nalang sa SIL ko para masamahan pacheck-up. Yung husband ko ang asikaso niya ngayon small business namin pero naisasantabi naman niya ‘yon at nasasamahan ako, hindi ako hinahayaan nun umalis mag-isa mula panganay namin kahit OFW pa siya nun.

Magbasa pa

Napaka red flag naman :( habang yung partner ko nag iinsist na samahan ako every check up. Ako naman tong ayaw kasi sayang pag nag absent. Kaya ko naman. Pero next month pasasamahin ko talaga sya kasi malalaman na namin yung gender. I hope yung husband mo is mabago kung makita niya na anak nyo miii. Wag mo nalang isipin kasi makakasama yan sa baby. Hugs po mii

Magbasa pa

si hubby ko naman, kahit ayoko pasamahin, hindi tlga papayag na hindi sasama. kahit magpapalaboratories lang ako, kasama pa rin siya. red flag naman sa asawa mo. kahit ako masasaktan kapag sinabihan ng ganyan. kasal ba kau? panu pa kapag nanganak ka na, mas lalong kailangan mo ng kasama at katuwang. sana maging okay sitwasyon mo momsh,

Magbasa pa

Grabe. I wouldn’t tolerate my husband talk to me that way. Wala po syang respeto sayo mi, sad to say. Res flag po yan. Nakakapanghina yung ganyang klaseng partner. Mas gustuhin ko na lang maging single kesa makisama sa ganyan.

I'm sorry for that mommy. valid naman po ang nararamdaman nyo. baka po pwede nyo pag usapan ng kalmado po. ipaintindi mo sakanya kung bakit gusto mo sya isama. namention nyo po ba sakanya yung about sa ultrasound?

ayyy Big No No! Yung Mr ko nga nah file ng Leave or excuse sa work basta may prenatal ako except kung meron seminar at importante talaga kasama ko mama ko at kuya but hell no na gagagnyanin ako.

naku di ako papayag sa ganyang attitude, yaan mo n sya mi kung ayaw nya e di wag. wag mo stressin sarili mo, may balik yan sa knya

sakit naman mag salita ng partner he doesn't deserve your baby.

Wag mo eh apilyedo sakanya sis 😆