usapang EX

Sino po dito yung may bf na hanggang ngayon eh iniistalk pa ang ex at updated sa lahat ng bagay tungkol sa ex niya? Btw 2015 pa nung naghiwalay sila ng ex niya tas naging kami ng bf ko nung 2017, normal lang ba na hanggang ngayon buntis na ako sa baby namin ng 5 months pero yung family ng bf ko pinapaalala parin yung ex niya. Nakakainsulto lang kasi one time tinanong ko bf ko kung ano maganda ipangalan kay baby and sa dinami rami ng pangalan "Cyrus" yung sinabi niya hahahaha well tinanong ko kung bakit sagot niya wala lang kasi daw maganda. I stalk his ex and buntis din ito? mga 8 months na siguro tas nakalagay sa bio niya "Cyrus" name ng baby niya? coincidence? Todo deny pa na di niya iniistalk ex niya eh kitang kita ko naman pag nagphophone siya. Ang sakit lang siguro until now di pa rin siya nakakamove on. Just wanna share this wala kasi ako mapagsabihan dito.

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Si MIL nung una ganyan, but sinabihan ko si hubby na ‘wag na puro ex bukambibig ng nanay niya. Same din si hubby, nang stalk sa ex niya but I confronted him about it at ngayon wala na. Sobrang istrikto niya nung di ko pa na block si ex tapos siya ini stalk pa ex niya. Kapal mo hoy! Kala niya di ko makikita. 🤣 Sis, dapat tigilan na niya kaka stalk sa ex niya at yung family niya sana naman may respeto sila saiyo. Ikaw na si present. Mag heart to heart kayo sis, sabihin mo nararamdaman mo and I hope ma realise niya na ikaw na partner niya ngayon and magkaka baby na kayo. Wala na dapat si ex sa relasyon niyo. Focus siya kamo saiyo at sa anak niyo.

Magbasa pa
4y ago

Ganyan na ganyan din sakin mamsh kotang kota mga relatives niya sa relasyon nila noon eh until now di sila makamove on. Harap harapan pa tinutukso bf ko sa ex niya. Kinausap ko na siya sis, tinanong ko kung bakit inistalk pa niya ex niya. Sagot niya "gusto ko malaman anong nangyayari sa kanya" maiiyak na ko sa galit eh di makamove on.

It's not normal sis. Ganyan din Bf nun! Dumating pa kami sa point na sinabihan niya akong mabuti pa daw ex niya ganito ganyan keysa sakin. See? Kung gaano ka sakit yun. Kung gaano kinadurog yun ng puso ko. Hindi normal yan. Kase one thing is for sure he still had a feeling sa Ex niya. Di naman niya gagawin yun kung nakamove on na siya. It means interesado padin siyang malaman lahat ng ganap sa ex niya.

Magbasa pa
4y ago

Ganon naman sila eh. Pero sana di sila naghanap ng bago kung alam naman nila sa srili nila na di pa sila nakamove on. 😞🥺

outtopic : ganito if yun asawa/bf mo ay nag sasama na kayo tapos my nalaman ka na my karelation ang husband mo? example lng or ito yun bf/husband mo na nag ka ex gf/wife tapos tsaka kna umi-enter(pumasok) sa buhay ng bf/husband mo ngayon?!

sabi nga sa isang palabas hindi nagwoworry c wifey sa ex ni hubby kundi don sa anong meron sila nung nakaraan... tama ba guys? kasi ako aminado ako ganun... realtalk lng....

Magbasa pa
4y ago

True mamsh yung pinagsamahan din nila yung inaalala ko

Ka usapin mo sya regarding jan naku... Nkaka inis yan... Samin kasi naging open kami sa ganyan story nila ng ex nya.. And wala n dapat ganyan stalk un ex hayst...

4y ago

Kinausap ko sis siya pa galit. Pag tungkol sa ex niya topic ko grabe galit niya di ako kinakausap ng ilang araw😂 paulit ulit na lang daw na issue ko eh paano naman kasi di niya matantanan kakaistalk sa ex niya.

na obsess na ata si bf kaka stalk ah. sabihin mo move on na sya hehe. kausapin mo mabuti mommy. d normal yan.

4y ago

ay wrong. ang hrap mag move on for you kung sya mismo d makamove on. pati ba naman name ng anak nio kaloka

Bute nalang walang ex asawa ko kaso mga kaclose lang sa work hahah pero tiwala naman

4y ago

Buti pa sis. Hirap na magtiwala ulit lalo na pag once linoko ka.

Kausapin mo si mister. Mamaya may feelings pa yan. Delikado na. 😂

4y ago

same tayo Avery... nagagalit pag tinatanung about sa ex... sa akin lng nman kasi kung ano ung tanung dapat sagutin at kung nid ipaliwanag di gawin db.. para clear lahat e di tapos usapan..