Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Sydney's momma.❤
Kabag
Hello po. Any suggestion po para mawala kabag ni baby? Iyak po kasi ng iyak tas ang tigas ng tiyan ni baby. 2 months old po siya. FTM here. Salamat po in advance sa mga sasagot.❤
Medyas
Kailangan po bang lagyan pa rin ng medyas si baby na 2 months old kahit na mainit pag gabi at pawisin si baby? Sabi po kasi ng biyenan ko dapat lagyan pa rin kasi yun yung pinapasukan ng lamig.
40 weeks no signs of labor.
Due date ko today, August 16, 2020 yet no signs of labor pa rin.😞 Any advice po sa mga mommies kung paano mapadali ang paglabor?🙏 Kinakabahan na po ako baka magpoop na si baby sa loob.😓
Mababa at mataas na tian?
Good day mga mommies. Ask ko lang po kung talaga bang kailangan ng mababa ang tian pag kabuwanan na? Nagsearch po kasi ako sa google na kung malapit na manganak eh kusa ng bababa si baby para mag engage sa pelvic natin, 'baby drop' kung tawagin. Ang dami po kasing comment sa akin na kailangan daw maglakadlakad na ko from 6am-8am😅 eh parang sobra naman ata ang 2 hours na walking exercise yan, tas pag ako nag aalaga sa baby ng hipag ko na 10 months old eh pinapatong sa tian ko para daw bumaba. Need po ba talagang bumaba na tian ko? FTM here😊 due date ko po is August 22. Thank you sa mga magrerespond po.
Normal Fetal Weight
Nagpaultrasound po ako on my 30th weeks of pregnancy, 1.4 kilos lang si baby based sa EFW niya. Maraming nagsasabi maliit daw si baby for 30 weeks.? Normal lang po ba weight niya? Hindi po kasi ako kumakain ng marami, sakto lang kasi overweight na ako nung di pa ako buntis at para maiwasan ko rin sana magkaroon ng pre-eclampsia at gestational diabetes. Ang dami nagsasabi baka daw di ko inaalagaan si baby, natetake naman ako ng vitamins at supplements, araw araw din na may fruits. Kailangan ko pa po bang kumain ng marami para mas bumigat pa si baby?
Damit for newborn.
Hello. Ask ko lang po kung ilang tiesides ba nagagamit ng baby sa isang araw? And ilang months nila ito magagamit? FTM here.
PHILHEALTH
Hello po. Ask ko lang po about sa membership ng philhealth. Hindi pa po kasi ako nagoopen ng philhealth ko at 6 months preggy na po ako. Mag oopen na sana ako kaso total lockdown po samin walang masakyan. Magkano po ba babayaran sa philhealth at ilang months bago manganak huhulugan para po magamit if nanganak na po ako? Salamat po sa mga sasagot.
usapang EX
Sino po dito yung may bf na hanggang ngayon eh iniistalk pa ang ex at updated sa lahat ng bagay tungkol sa ex niya? Btw 2015 pa nung naghiwalay sila ng ex niya tas naging kami ng bf ko nung 2017, normal lang ba na hanggang ngayon buntis na ako sa baby namin ng 5 months pero yung family ng bf ko pinapaalala parin yung ex niya. Nakakainsulto lang kasi one time tinanong ko bf ko kung ano maganda ipangalan kay baby and sa dinami rami ng pangalan "Cyrus" yung sinabi niya hahahaha well tinanong ko kung bakit sagot niya wala lang kasi daw maganda. I stalk his ex and buntis din ito? mga 8 months na siguro tas nakalagay sa bio niya "Cyrus" name ng baby niya? coincidence? Todo deny pa na di niya iniistalk ex niya eh kitang kita ko naman pag nagphophone siya. Ang sakit lang siguro until now di pa rin siya nakakamove on. Just wanna share this wala kasi ako mapagsabihan dito.
Danger Signs
Hello mommies! Wanna share yung IMCI workshop namin sa school. Please be aware sa mga danger signs applicable po siya from birth-5 y/o babies natin. PLEASE TAKE YOUR BABY TO THE NEAREST HOSPITAL OR CLINIC IF ANY OF THIS SIGN SHOWS (Kahit isa lang jan kasi need ng urgent referral) -Convulsion -Lethargic/Unconcious (gising pero di nagrerespond sa noise or even sa pagclap ng hands mo/ hindi magising) -Unable to drink or breastfeed (kahit isang lagok ng milk or water di siya nagtetake) -Vomits everything (lahat ng iniinom o kinakain niya sinusuka niya)