Where did you meet your hubby?
Sino mga college sweethearts dyan? Or nag-meet ba kayo sa work? Dating apps? Social media?
sa TanTan dating appπ€£ . pareho kaming OFW nun and single and iisang country lang din. adik ako nun sa kdrama pero ung kasama ko sa work sinabihan akong mag sign up sa isang dating app, pampatanggal stress. natawa ako nung una pero na kalaunan tinry ko din. nag match kami nun tas stalk na pala nya fb ko. hanggang nauwi sa ligawan. after a year bago sya umuwi nag propose sya. and I said yes π nito lang kaming Aug. 2021 kinasal, and take note first meet din namin ung pag uwi ko kasi d ako nakikipagmeet sa kanya nung nasa abroad pa kami, ung kaibigan ko lang tumanggap nung engagement ring π sa videocall lang din ako nag yes π . ito 7months na akong buntis β€.
Magbasa paZESTO year 2011 kami nagkakilala schoolmate ko sya dahil sa zesto tinamaan sya ng malupit sakin hahaha love at first sight sinamahan ko kasi yung classmate ko noon pumunta ng canteen before magstart klase then nakasalubong ko sya, ininuman nya yung zesto ko na nakalagay sa window ng canteen while kausap nya classmate ko na kakilala nya pala hahaha then boommmm! nainlove sakin kinuha number koπ hanggang sa nanligaw sya pero lahat ng yun naglaho bigla nung umalis ako samin kasi ayaw sakanya ng family koπ₯Ί pero mabait si god after 10yrs ibinalik sya sakin at ngayon we're having our first babyβ€οΈ ang mag-1yr na kami sa oct 13 ulit pero para sakin 11yrs ko na syang kasamaβ€οΈ
Magbasa pasa facebook taga dito pala siya sa amin pero nasa America siya that time and then naging kami nung 2015 I was 19 years old 3 years yung gap namin Sobrang sweet at ma effort sya every month nag sesend sya ng gifts sa akin at big surprise tuwing my occasion close at malapit ako sa family niya sa pinas then parehas kame open and close ang family namin year 2017 umuwi siya for my college graduation in my first degree then sinubok kame ng 5 years na di magkita gawa ng pandemic at nanatili Kami matatag at communication is the best neto April 2022 umuwi siya nag live in kame tamang tama graduation ko fin for my second degree and now mag 3 months na ako pregnant.
Magbasa paI was watching camp sawi that time sa isang fb group, nag e emote kasi brokenhearted pa rin sa 7yrs na relationship with my 1st bf. That time daming friend requests, ako ang ena accept ko lang yung may common friend/s kami. Isa sya mga na confirm ko ang request. Nag message sya agad sa messenger. Nag reply rin naman ako sa greeting nya pero tinanong ko agad kung ang gamit nyang name sa fb is pangalan nang gf or asawa nya(mahirap nang maging kabit). Yun pala yun talaga ang first name nya, pang babae kasi ang name nya! Now we're expecting our first baby at sure ako na if lalaki di ako papayag na gawing jr nya! ππ
Magbasa pasa trabaho. 2 years nya ko inantay, ayoko kasi magpaligaw gawa takot akong kumawala sa ex kong sobrang toxic (puro pagpapakamatay lagi ang panakot saken, tsaka yung pupunta sa trabaho para manggulo. Ex kong walang isang salita, makikipaghiwalay pero hindi papanindigan, puro s*x lang ang habol, ako pa gastos sa lahat) π nakakalugmok pero Thanks God nalagpasan ko lahat. And now sobrang happy sa boyfriend and soon to be husband ko now ππ kahit 1 year pa lang kami at nabuntis na ko, wala akong pinagsisisihan kasi sobrang healthy at matured ng relationship namin π sobrang saya na hindi sya sumuko πππ
Magbasa paisa aqng single mom.nakilala q c my grapes nung bday q..kapatid xa ng kaybgan q..actually d q nga alam na my kapatid pla xng lalaki..same kameng single..aun sa huli nagka mabutihan kme..nung una nag alangan pa q kc isa qng single mom tpos magkaka bf aq ng binata..pero Mali pala ang akala q..sating mga single mom jn..wag tayong mawalan ng pag asa na walang tatanggap satin..Sa ngaun 5 years na kame at biniyayaan kme ng baby..3 months na po xa sa tummy q..gift po xa ni lord samen pa bday nya samen at pa anniversary na din..at nagpapasalamat po aq sknya dahil tinupad nya ung hiling namen mag asawa..
Magbasa paWe met thru online games! We're both gamers kasi haha. We became acquaintances lang for almost a year muna. May mga kanya kanya pa kaming gusto nun but parehong di nagtagal and nag work out. Di pa talaga kami close before pero magka-club kami sa MMORPG kaya may interaction kami kahit papano. Eventually, after mag quit sa game and a few months, since may GC kaming club members, nag-share siya ng panibagong game na nilalaro niya and ako naman that time since naghahanap ako ng panibagong lalaruin, I joined and dun na kami nagstart maging friends, close friends, and eventually lovers π€
Magbasa pai met my partner, believe it or not sa kulungan.. somewhere in pampanga, because my father was accuse sa isang kasalanang na set up lang sya..so i met this poging guy na maputi at mukhang simple na may dating, (kaso nya is about trouble) 6 months tinagal nya sa kulungan, not everyone na nakakulong ay may kasalanan, at not everyone na malaya ay wala ng kasalanan, i didnt judge him, kahit ano pang sabihin ng ibang mga marites..instead i fell in love with him, now we've been together for 13 years.. with 4 kid'sππ
Magbasa pasa work unang araw ko sa work na attract ako sakanya... pero syempre tinago ko lang baka sabihin malandi ako pag pinahalata ko. tapos after ilang months lapit sya ng lapit sakin so feeling ko may gusto sya sakin (haha asumera) tapos mga 5mos na ko sa work sabi nya sabay daw ako sakanya kasi dun din ang daan nya sa dinaanan ko sakin wala lang yun kasi para makatipid din at di ipit sa traffic gabi na din ang uwian namin hatid gang sa naging sundo tapos tuloy tuloy na gusto din pala ako ng loko sabi ko na nga ba may gusto sya sakin πππ
Magbasa paSa work π ang nalilink talaga sa kanya is yung beshy ko na may long-time bf. Di ko sya gaano kakilala dati kasi GY shift ako, sila ng kaibigan ko sa morning. Kaya nung nalipat ako ng shift, ipinakilala sya sakin and in-add nya ko sa fb. Sumasama ako sa kanila ng kaibigan ko sa mga stroll nila then mga 2months after, chat na sya ng chat sakin. Yung friend ko di na ko pinansin hanggang ngayon. Di na kasi sya kinausap simula nung nalaman na may jowa sya. Well, sabi nila inagaw ko daw pero hindi. And ayun, next month ikakasal na kami π₯°
Magbasa pa
Got a bun in the oven