...

Sino dito yung 2nd wife ng hubby nila tapos may anak sya sa una nyang partner? Panu itreat ni hubby nyo yung anak nya sa una? Kasi yung hubby ko may 2 syang anak na babae sa una. Para kasing wala syang amor sa mga bata. May anak kmi isang babae at 7months preggy ako. Lahat ng hingin ng anak namin ibinibigay nya samantalang yung anak nya sa una madalang nya bigyan minsan hindi pa. Nasa side nung girl yung 2 bata. Friend naman nya sa facebook yung 2 nyang anak pero di naman nya kinakamusta. Ako pa yung magmemessage sa mga bata kunwari ako yung papa nila. Naaawa ako kasi parang napakaunfair naman. Pagnagbabaksyon dito samin gusto nya lagi pauwiin. May ganun ba talaga? Ayoko kasi na lumaki sila na may tampo sa papa nila. Lagi ko rin naman sinasabihan si hubby pero ganun pa din. Sabi pa nya lagi kaya sya nagkaanak dun sa girl kasi dala ng talanding panahon. Ano opinyon nyo mga momsh.?

49 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

4th WIFE HERE. Hubby ko may dalawang anak na babae sa una, isang lalake sa pangalawa and sa pangatlo, wala sila anak. And kmi nman may isa nang anak ngayon 3months n lo ko. Ganyan n ganyan din nararamdaman ko gaya mo dahil ganyan din siya sa ibang anak niya. Pag nanghihinge ng allowance, kdalasan d niya binibigyan khit o magmakaawa sa kanya n wala n sila makain. Naawa ako kaya sinasabihan ko n padalhan niya pera kaso mas inuuna niya kc kmi lagi. Wala nman ako magawa, d gaya mo n nkkachat nga anak niya. Di ko kc yun close and nver ko o nkita sa personal, puro fb lng and d ko rin frnd sa fb. Nag-aalangan kc ako sa mga anak niya kc d ako masyadong bet ng mga yun, dahil nga gusto kc nila mabuo pamilya nila, inshort magkabalikan mama nila at ng hubby ko. As in magkaparehas tayo ng sitwasyon, pinagkaiba lang eh d ako nkkipagchat sa mga anak niya.

Magbasa pa