Stress

Sino dito same kame ng situation? Give me advice please.. ? Ayaw ba ng pamilya nyo sa asawa mo? Ayaw kame pagsamahin sa iisang bahay ng mga magulang ko hindi ko alam kung anong dapat kung maging reaksyon pero sabe ng mga ibang tao dapat magsama na daw kame ng asawa ko kase magkakababy na kame. 19 yrs. old pa lang kasi ako mga mommy and yung partner ko is 22 yrs. old graduated na sya ng college. Ang gusto ko lang naman mangyare yung kahit di kame maglive in pero kahit sana makapunta man lang kame sa bahay ng asawa ko kahit paminsan minsan lang. ? Tapos kapag magpapacheck up kame kailangan kasama kapatid ko or kahit bibili lang ng gamet ni baby. ? Parang wala kameng kalayaan. nakakalungkot tuloy. ? Bigyan nyo po ako ng advice para mas lalong lumawak pagunawa ko.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

For me, okay naman na hindi kayo magsama muna talaga kasi ang bata niyo pa and di pa naman ata kayo kasal eh. Mas magagabayan ka pa rin and matutulungan ng family mo especially your mom. Actually ganun kami ng partner ko eh, wala namang problema dun kasi ganun din desisyon namin ng jowa ko nung tinanong kami kung gusto na ba namin magsama. Alam kasi naming hindi pa kami ready pareho. Ang set-up namin ngayon is dinadalaw niya ako, sinasamahan magpacheck-up, kasamahan mamili, etc. I think you should talk to your parents and tell them na kung hindi sila sang ayon na magsama kayo, at least man lang pumayag silang magkita and magkasama kayo kasi kakailanganin mo pa rin yung partner mo sa time ng check-up and kailangan niyo pa rin mag date kahit papaano 😊.

Magbasa pa