14 Replies
Ano ginagawa sinasabi mo sis? Yan din worry ko pagnalabas na tong baby ko kasi palipat2 lg kame. Nagsesave pa kasi kami for our own house. Pagnasa barko si hubby, sa parents ko pag nauwi sya, minsan sa kanila kame. Worry ko pag nanganak nako and nadalaw sa kanila, pano ko pag sasabihan yong mga kikiss sa baby ko e sa side ko kinlaro ko na bawal muna ganon2. Ako lg dapat. And all sanitary muna. Iba kasi din yon lifestyle samin and sa kanila. Dito samin walang may bisyo and papa ko lg lalaki. Kaya napag sasabihan reg hygiene. Sa kanila naman baliktad, mama lg nya ang babae and tipong di pa nawawalan ng bisita bahay nila kasi parang meeting place lagi ng mga galing sa barrio. Hays nag iisip ako now plg kung pano ko if ever pagsabihan na walang ma ooffend. Saka in all fairness, sa bahay namin kasi, walang natutulog na hindi nagpupunas. Hindi kasi palalabas din papa & mama ko nasa bahay lg kaya parang walang panggalingan ng dumi. Unlike sa kanila lahat galing sa labas ng bahay, may nagssmoke may galing sa sabungan. Iniisip ko plg naiiyak na ko. Pero di naman pwedeng dito lg samen palagi kasi gusto din ni hubby dalhin don sa kanila. Halp.
Same with my MIL, nakakairita sya.. Nung first few months ng baby ko dun kami nakatira sa bahay nila. Aba, sige halik ang MIL ko. Syempre malay ko ba mamaya madumi bibig nyanor kumain sya ng maanghang o kaya naman mamaya mailipat kay baby yung lipstick nya... Asar na asar ako nun. Medyo nawala asar ko nung lumipat kami ni LIP dito sa bahay ng lola nya, kasi mas nirerespeto ng lola and lolo ni LIP yung mga desisyon ko para kay baby (kahit na sa totoo tutol yung lola ni LIP). Then one time sinama kami ng MIL ko sa Mall para mamasyal kasi nagcelebrate kami dahil humabol si MIL ng baby.. Yes my Mother-in-law is pregnant while my baby is turning six months this July. So yun, nung nasa food court na kami at nasa harap na namin yung food, natatakam si baby. Gustong gusto nilang pakainin si baby ko which is tutol ako kasi wala pa syang 6months. Tapos ang gusto pa nilang ipakain is yung soup ng jollibee eh sobrang alat nun for the baby.. So si LIP nilakadlakad at nilibang na lang si LO. Sorry medyo napahaba, asar lang kay MIL.
same as my MIL, nakikipag-unahan pa sakin sa pagkuha sa baby ko.. sa crib kasi natutulog baby ko tapos pinaliliguan nya ng 6:30 hindi ko naman masabihan kaya minsan tinatago ko nlang muna baby ko sa room namin dun muna kami. Pati sa pagpapabreastfeed, ayaw nya ipabreastfeed sakin baby ko kasi daw panis gatas ko, sasakit daw tummy ni baby, kaya patago ko nlang. Lagi nya sinasabi kawawa daw apo nya kasi di daw ako marunong mag-alaga, alam ko naman di pa ako expert sa ganyan bilang first time mom pero paano ako matututo kung lagi siyang nakikialam. Mabunganga pati ang biyenan ko tipong lahat nlang pinansin, lagi pa siyang nagpaparinig na ang tamad-tamad ko, nung siya daw pagkapanganak pa lang kinabukasan naglaba na cia di naman daw cia nabinat.. basta lagi nya kinocompare sarili nya sa akin, sinusumbong ko sa asawa ko, pinagsasabihan naman nya kaya lang nonstop talaga ang bibig
Ganun po tlga sila momsh minsan kse gsto nila tumulong sau lalo na kpag umiiyak na si baby at lalo na din pag dting sa pangdede ng baby minsan kailangan po tlga lagyan ng maligamgam pra po hndi po nkakainom si baby na merong halong bacteria. Kase mahirap po kpag nag karoon ng sakit ang baby. Hndi mo alam kong ano ang sumasakit sknya dhil hndi pa yan nkakapagslita. Matataranta kna kapag once na hndi na tumigil ang pag iyak nyan. Maswerte ka po dhil nandyn ang mga kamag anak ng asawa mo may katulong ka. Sundin mo nlang po sila pra din nmn po yan sa ikabubuti ng baby mo po. Gnun po tlga sila dhil first apo nila yan gsto lang nila maging maayos ang kalagayan nya. Appreciate mo nalang po sila kesa magalit ka sknila wla pong patutunguhan ang galit kpag once na meron na nangyring hndi maganda kay baby.
i feel you my gusto nga nya painumin ang baby ko nang tubig at first week palang which is a big NO pag breastfeed . palagi nangingialam dn same as yours. di lang byenan probs ko pati yung nakakatandang kapatid ng lip ko . hirap hirap na nga ako sa pag aalagah kasi ako lang mag isa sa baby nang lip ko gusto pa nya ako papalinisin sa bahay. e sya nga walang ginagawas subrang bossy pa pati jowa nya akala mo kung sino . di nako nakapag tiis bumalik ako sami kasama ni baby . mas naging kalma ako samin kasi marami nagbabantay samin . tapos yung MIL ko nakiusap na bumalik na kami sa kanila pero ayw ko na . minsan minsan lang dumadalaw ako sa kanila . naging maganda tuloy trato ng MIL sakin di tulad noon nakatira ako sa kanila graving tiis ko nun
Naku ganyan sila haha, di naman lahat siguro. Okay naman kami, civil. nakakairita kasi is ung iimpose nila ung gusto nila, okay ung magsuggest pero ung ipipilit ung gusto dun ako naiinis din, feeling pedia pa, minsan sasabihin wag ka maniwala dun sa pedia, like hello?! Seriously?! kaya hindi na ko masyado kumikibo sa byenan ko, tahimik naman talaga ako, pero since ganun nga mas tumahimik ako lalo, para maramdaman nila na hindi ako natutuwa, kesa kasi magkontrahan palagi nag iinit lang ulo ko, di ko na kinikibo mas effective, ramdam nila na my child my rules ganun. Wag ka paapekto mastress ka lang sa mga yan. Basta naman hindi mo pinapabayaan si baby. π
Hahaha true. Kaya umiiwas na lang ako dahil pag nagkasagutan kayo for sure ikaw naman ang masama kahit na ikaw naman ang tama. Nangyari na kasi sakin yan, nagdrama siya umiyak kesyo aalis na lang daw siya sa bahay namin, although di naman nagalit si hubby sakin dahil alam naman nya ugali ko, ang sama sama pa din ng loob ko kasi pinagsosorry ako kahit wala naman ako kasalanan. Pero para na lang sa asawa ko, ginawa ko na lang π
Hindi ka nag iisa mommy. Ang MIL ko gnyan din pag umaalis kme kasama si baby, gusto nya kasama dn sya. Nung una naiinis ako pero narealize ko na pag ang anak ko siguro nag asawa someday ganyan dn ako sa apo ko. They are showing so much love kasi sa mga anak ntin na to the point nkakainis na sa part natin pero ganun talaga. Kahit nakakainis but I learned to love my MIL like my own mother specially pag nalikita ko kung gaano nya kamahal ang anak ko. β€
Ireason mo mommy na iba na panahon ngayun sa panahon nila. Mas marami ng pag-aaral ang nagawa at di hamak na mas mababa ang infant mortality rate ngayun kesa panahon nila. Pero wag pabalang kasi maaasar sila lalo.
Kung ikaw MIL mo ako parents ko π minsan naiiyak nlng ako. Lalo na hindi pa kame makabukod. Haaaay π’ Tiis tiis nlng. Magulang din sila katulad natinπ
Wala na mga magulang ni hubby, puro ate na lamg, tatlong ate. Okay naman sila, mabuti at hindi masyado nakikialam π
Anonymous