Gawaing Bahay
Sino ang mahilig magkikilos sa bahay kahit buntis? ?
Me at third trimester, luto ng food mula sa baon ni LIP, kakainin ko sa tanghali at dinner namin. Kami lang dalawa ni LIP sa bahay, ang sipag ko din maglaba lalo na magpalit ng mga punda, bedsheet, kumot, etc. Every 2weeks ako nagpapalit. Twice a week maglaba and walis walis ng bahay. Pero nung 1st trimester ko, para akong bed ridden. Gusto ko lang lagi nakahiga. Ayaw ng katawan ko magkikilos. As in tulog maghapon magdamag. 😂
Magbasa paFirst trimester here 8weeks and 2 days. Hahaha tamad na tamad ako ewan ba kahit mag ayos. Pero nakakpg laba naman ako ng damit ko. And andito rin ako sa byenan ko habang ang husband ko duty sa zamboanga. Kahit gusto ko kumilos ayaw nila lalo na husband ko kahit damit ko lang nilalaban ko nagagalit. Sabagy hindi ko rin kasi sila masisi gawa nadala na sila last year yung 5weeks preggy lang ako nawalan kami. Maselan din kasi ako mag buntis
Magbasa paako ayoko kasi first baby ko medyo praning ako, pero pinipilit ako magkikikilos ng byanan ko dahil buntis DAW ako. pag gising ko wala pang almusal magwalis na daw maglinis ng bahay daily yan hah😑 nakakairita kaya. nagkikilos naman ako the usual na gawaing bahay, nakakastress lang yung makapagsalita kala mi napakatamad mo.
Magbasa pakabuwanan ko na, malapit ndaw aq manganak sabi ng OB ko, pinipigil ako ng asawa ko at mama ko na kumilos pero ayoko kc ng walang ginagawa. Laba, linis, luto plus alaga ng anak ko na 7years old. Continuous pa rin pla aq sa work ko as teacher pero WFH. Dpa rin aq nagleleave until now. 😁😅
me! nakakairita pag ang kalat sa bahay. kahit mabagal kumilos atlis natatapos hihi minsan si hubby na lang may choice na pagpahingain ako since ang bigat na nga ng katawan ko pero laban lang tulungan kami throughout the day
ako po, tumakbo pa ng 10KM on my 9th month, with OBs permission kasi sanay naman ako sa marathons and long distance cycling. dahil daw dito kaya mabilis at walang kahirap-hirap ang paglabor ko. 😇
ako po magalaw din tlaga, kc pinahinto ako sa work, bawal dw kc buntis, kaya luto laba alaga sa 6yrs old.. hehe pero kc ang selan ko s pangatlo ko.. pinag bawalan aq mag kikikilos 35weeks na ko
kumikilos ako dahil kami lang dalawa ng LIP ko..may mga aso pa kami. naglalaba ako pro yung nga light lang si LIP lang sa mga maong bedsheet at ibang mabibigat na labahan
mula nung nagbuntis ako medyo wala nakong ginagawa ,,kahit nasa work husband and mominlaw ko. ako lang mag isa lagi sa bahay ... medyo maselan din kase pagbubuntis ko...
Naglalaba (automatic washing machine) nagluluto, naghuhugas ng pinggan, nagliligpit at working from home pa. Ang hirap dn kase walang ginagawa parang exercise na rn.