37weeks and 5days

Since 35weeks ang dami ko ng nararamdaman ๐Ÿ˜ฉ hirap makatulog, laging nagigising sa sakit ng puson, ngalay ng balakang dahil sa sleep position.. Last monday 1cm na daw ako at niresetahan na ng evening primrose, nabanggit ko rin na madalas na sumakit singit ko tska paninigas ng tyan ko, pero active at malikot parin nman c baby. Pagka Tuesday nagka brown discharge ako w/c is normal daw kc na i.e ako. Nag assume lng ako na mgtutuloy tuloy na ๐Ÿ˜ฃ after Tuesday until now friday white milky discharged na ulit lumalabas sakin, panay palit ko nga ng undies pra malaman ko kung marami ba or konti lng. 2glasses of pineapple juice and fresh fruits every day. Squat ng 20counts 3-4x a day, lakad lakad if hndi maulan sa labas. Nkaka 17pcs nako na take ng evening primrose, 2pcs insert.. Puro tigas lng ng tyan tska feeling na dini-dysmenorrhoea, specially sa madaling araw plang nararamdaman ko ๐Ÿ˜ฃ๐Ÿ˜ฉ๐Ÿ˜– naffrustrate narin ako manganganak sa dami ng nagtatanong kung bakit hndi pa daw ako nanganganak, kaya halos ayoko na lumabas ng bahay eh ๐Ÿ˜”๐Ÿ˜ญ

37weeks and 5days
19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

37weeks plang nman po,, ako 35weeks ko na tomorrow, pero mas gugustuhin ko na umabot pa sya atleast 39weeks, kasi mas maganda daw po ung benefits para kay baby pag umabot sya sa ganun,, ftm here, pero enjoyin nlng pagbubuntis ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Šโค๏ธโค๏ธโค๏ธabove all the rest, kahit mahirap, as a future mom,, mas priority ung makakabuti sa baby,, team August-Sept, sna makaraos ng normal, God bless all

Magbasa pa
VIP Member

Ok lang yan mommy ako ganyan nung 37 weeks ko nag evenung primerose nako 3 times take tas 3 piraso insert. Sabayan ng lakad lakad sa umaga at pagusap kay baby. Wag mo postressin sarili mo po na lumabas na dapt sys kaagad. Kapag gsto po ni baby gagwa po sya paraan para makalabas na din po kaagad. Stay healthy and goodluck momshy.. Nanganak nako 40 weeks and 1 day po... :)

Magbasa pa
4y ago

Thank you encouragement momsh.. ๐Ÿ˜˜

VIP Member

Si baby talaga masusunod kung kelan gusto nyang birthday. Medyo nakaka stress nga pag may nagtatanong kung nanganak ka na. Sa 1st anak ko kasi 40 weeks 3 days siya lumabas. Kinaya naman mag normal delivery kahit may GDM. Praying normal pa din this 2nd pregnancy. Currently 36 weeks 6 days naman ako. #TeamAugust2020 keribells natin to

Magbasa pa
4y ago

Same here mommy! Sa 13 nman po ako. Pero no sign of labor parin. Sipon2 plang lumalabas sakin tska Milky discharge.

Wag ka magpaapekto mamsh. Hayaan mo yung mga nagsasabi. E ano naman,marunong pa sila kesa sa doktor. Wag ka pastress para di din mastress si baby. Alam naman yan ng ob mo. Konting tiis nalang mamsh. Alam naman ng ob mo yan. Makakaraos ka din.

4y ago

Oo nga eh, kya hndi nlang ako masyadong nglalabas ๐Ÿ˜” iwas virus na, iwas npagchismisan pa ๐Ÿ˜… thank you sa advice momsh ๐Ÿ˜˜

VIP Member

Hintay lang mommy. Lalabas po si baby kung kelan nya gusto. Dont stress yourself sa sinasabi ng iba ang mahalaga healthy kayo ni baby. May ilang weeks kapa naman po kaya relax baka lalong di lumabas si baby kapag pinilit. :)

Ako Nga Po 5to6cm di pa sya humilib ng husto puro tigas lang sya nakakawory lang kase lapet narin due date im 38 weeks and 4 days na di pa nahilab ๐Ÿ˜”

Kalma lang kamo yung nag aabang sa paglabas ng baby nyo mommy. The more na madame nakaabang the more na natagal si baby lumabas. Haha same experience.

Sis 37 weeks ka palng namn.. Wala din kasi aq nararamdaman dati as in nung araw n nanganak ako saka lang aq nakramdam ng pannakit and thats 39 w^ks

4y ago

Same mommy sa first baby ko po. 39 and 3days po ako nanganak sa knya. Ngayon sa 2nd baby ko parang normal lang lahat kahit duedate kona sa 13. Panay tusok lang ni baby tska labas ng Milky discharge saken and Sipon2.

bat gnon mga tao.... xctd pa sla sa nag bubuntis... wlng ibang binabantayan....same case din yan sa akin non sa panganay ko ... kakairita

Ok lang po yan mommy lalabas din si baby ..hanggang 40 weeks pwede maghintay..relax muna

4y ago

Kaya nga eh.. Nkaka dagdag lng tlga ng frustration ko itong mga kapitbahay ko ๐Ÿ˜ฃ anyway, thank you sa encouragement momsh ๐Ÿ˜˜

Related Articles