lauhniz profile icon
PlatinumPlatinum

lauhniz, Philippines

VIP Member

About lauhniz

with handsome son

Posts(108)
Replies(361)
Articles(0)

My birth story

edd:July 29,2020 Dob:July 30,2020 Via NSD BABY IS OUT: 1:29am PLACE:Dr.Jose Fabella Memorial Hospital Sharing my birth story (summary) Nov 2019 nagtaka nako di nako dinatnan eh regular 1st week of the month nagkakaroon na tlga ako kaso eto nagtaka ako bat wala pa akong menstration. Hanggang sa dumating dec wala padin.. dun na ako nagtaka nag pt ako nov 27 and nov 29. Cant believe na positive ❤. Una umiyak ako ng todo kase nagaaral pako then paano pag nalaman ng parents ko na buntis ako.. na stress ako hanggang sa dumating ng 5th month naitago namen ang totoo pero that time daddy ko lang nakakaalam. Nung 6th month ko nalaman ng mommy ko ang tindi ng galit tipong palalayasin nako pero hindi... pinabalik ako at tinanggap na nila na magkakaapo sla. (Thankful ako na may ganito akong magulang). Di nila ako pinabayaan throughout my pregnancy life. May proper na check up and yes suppoetive bf ko.. he do everything also makahanap ng pera at masustenstuhan ang needs ko luke vitamina and checkups too. Eto na nga po ganapan sa fabella. Nung July 27 nakaramdam nako ng paghilab ng tyan.. di nako nakakatulog ng maayos. Napagdesisyunan namen ng bf ko mag pa I.E sa er. Nung iNa I.E ako 2cm palang daw ako.. so bumalik kame aftee 2 days.. Eto na nga July 29,2020 sobra na hilab ko qala na akong tulog nagigiaing ako every 10 mins tas hihila ng sobra. 6 pm pumunta kme i.e.... grabe tao doon kaya pumila kame ng hanggang 10:28pm sa haba ng pila tas 1 lamg doctor na nakaaasign kaya medj matagal kame pumila. Dala dala na namen ung gamit kong pang admit in case..pag i.e sakin 8cm na agad ako so dali dali nila ako inadmit at pumunta agad sa Laboring room agad ako tinurukan ng pampahilab at dun ako ire ng ire. Mga less than 10 mins nilipat nako sa delivery room.. tinurulan ulit ako ng pampahilab sa dextrose na nakakabit skn at 5 push TADAH... 🥰 mah baby is out na.. umiyak ako at nag pasalamat sa Diyos di niyako pinabayaan sa pregnancy journey na ito.. Sa mha di pa nakakaraos at natatakot ma over due samahan lang po talaga ng dasal. 🥰 walang impoasible sa itaas...

Read more
My birth story
 profile icon
Write a reply