Story time

So si jowa, dami nya reklamo kagabi sa window type ac namin sa kwarto. Kesyo di lumalamig, malakas sa kuryente (kasi luma na) at palitin na raw talaga. So akong si patola, sinabihan kong "edi bumili ka ng split type arte arte neto". Tas pinakita nya sakin na umorder na pala sya, at iinstall ngayong araw. Dahil andito ko sa bahay ng mami ngayon, sinend nya sakin yung picture pagkainstall. Binilin ko na agad na sa gitna ng bintana ilagay kasi lalagnatin ako pag di pantay hahahahaha Nakakatuwa lang kasi super dami nyang plano. Next project naman daw nya tv ☺️ At para maging shala shala na talaga ang kwarto namin bumili naman ako ng korean blinds. Pang terno sa shala naming ac. Wala lang. Skl hehehe super swerte ko lang talaga sa partner ko. Inuuna nya talaga yung para sa pamilya namin.

Story time
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Necessity na po talaga nga ang aircon. Natuwa din ako kay hubby kase yan din unan nya binili nung pinanganak ko si baby.

3y ago

oo nga mommy 🥰 ang sarap sa feeling pag tayo ang priority ng mga partner natin 😍