Pa rant ulit
Can’t help but to post this.. Sobra na akong nayayabangan at nakukupalan sa asawa ko. Kasi naman, pinapamukha nya na sakin na I can’t provide financially. Btw housewife ako. Sya raw naghihirap sa lahat at wala raw akong alam, at akala ko raw madali lang yung ginagawa nya. (Lockdown nga kasi so nakukulangan na sa budget. Tigil work din muna sya.) Kahit ganyan pa sana kinakausap naman nya ako ng maayos, sabihin nya yung problema nya sakin. Pakisamahan ako ng maayos hindi yung ganto. Masakit sakin bilang housewife na tratuhin ako ng ganito na ikaw ang pinagdidiskitahan ng init ng ulo nya. Na parang kasalanan mo na lahat na naglockdown. Sabi pa nga nya gusto na raw nya na umuwi kami sa nanay nya para di raw kami gumastos. Edi wow??? Babyahe ko anak ko ieexpose ko sa labas?? Ang gago lang. Kupal talaga. Ang ayos ayos ng trato at pakikisama ko sa kanya tas ganto lang ang trato sakin. Kung utos utusan talaga ako at kausapin akala mo di nya ako asawa. Ang yabang at kupal talaga ng pakikitungo nya sa akin. Kung maka angal akala mo di ako mahal. Kung utus utusan ka para kang bata o katulong nya. Kaya napapaisip na ako gusto ko na magwork di ako makakatagal sa ganito pano pa kaya pag nagtagal pa kami asa iisang bahay lang kami tas pano pag nagkaganito ulit. Ang yabang at kupal lang talaga ng paguugali nya. Ilang beses ko na yan na inopen up sa kanya na ayusin nya pakikisama nya sakin. Isang sorry tas wala na heto na naman. Di ako perpekto pero ginagawa ko naman lahat ng mabuti sa mag ama ko pero bakit sya ganto.. Sorry pero pa rant lang mga sis feel free mag advice nakaka down lang talaga sa part ko di natin deserve to