sumusuka si LO

Hi mommys, si baby ay 7 wks palang, since 2 wks ata sya madalas talaga sya sumuka, siguro once every 2 days or once everyday. Hindi po spit up kasi super dami tsaka medyo forceful yung pag suka nya although di naman sya nabobother kaso ang problema nagugutom talaga sya after nya sumuka kasi yun nga, nasuka nya lahat ng ininom nya. Mga 3x ko na sinabihan pedia nya and parate kami nagpapacheck up, wala naman problema sakanya. Di din sya nababawasan ng timbang kasi last checkup nya was 6wks old sya and 5 kilos na sya. May iba bang mommys na may ganito din na problem sa LO nila? Pinapaburp ko sya parate kaso super hirap nya ipaburp, tsaka naka prop up sya ng 30 mins after every feeding pero ganon pa din, malakas lang nga talaga dumede si baby, siguro 3oz every 2 hrs. Pag sumusuka sya pati bed sheets pinapalitan ko sa dami ng suka. Nag woworry lang tlaga ako kahit mukhang di naman worried pedia nya.

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Overfed yan mamsh. Ganyan baby ko up to 5 months old ata. Pag lumungad sya kala mo gripo labas bibig labas ilong sobrang nakakataranta. Control mo lang padede saka kake sure na elevated ang ulo nya pag nagdedede. Ung burp kargahin mo sya sa balikat mo for 30 minutes. Un sabi ng pedia namin. Or idapa mo sa unan or sa lap mo

Magbasa pa

Hi momsh! Yung paburp mo try mo gawin up to 1 hr. Ganyan din baby ko before suka din sya hindi lang lungad. Ang advise skin is tagalan ko daw paburp. If hindi nagburp within 1 hr atleast bumaba na gatas sa tiyan na.. Tyaga lang tlga para kay baby..

Same situation here 😥 ang hirap ipa burp ni LO. Nakakapag panic nga po. Tiis at tyaga lang sa pag upright position sabi ng Pedia.