Magkasama sa isang bahay
Hello po. Share ko lang. Gusto kasi bumili ng bahay ng partner ko para sa binubuo naming pamilya. Ikakasal na po kami this December. Kaso, gusto nya ay lilipat din family nya (nanay, tatay, 3 kapatid na bata) sa bahay na bibilhin nya para raw may kasama ako since malayo ang work nya at para rin daw hindi sya mahirapan mag abot sa kanila kasi panganay sya at sya na lang din ang inaasahan. Ang sa akin po kasi, may sarili naman nang bahay ang parents nya, pero hulugan. Pero bakit kelangan pang lumipat? Tapos medyo nailang pa ako kasi nauna na nya sinabi sa parents nya ang plano nya kaysa sa akin. Diba dapat priority mo na ang binubuo mong pamilya? Hehe. Paano kami bubuo ng sarili naming pamilya kung magiging pakiramdam ko noon ay kami ang makikisuob. Tapos lagi pa syang wala doon, edi dinaig ko ang sampid sa bahay. Di ko masabi sa kanya kasi wala naman akong ambag. Mali ba ko na maging "selfish" kung ayaw ko na titira kami sa iisang bahay lahat?