byenan

Grabe mga mamsh. Nakakaiyak pala talaga pag nag iba ihip ng hangin sayo ng byenan mo no? Okay na okay kami ng byenan ko bago sya atakihin ng aneurysm. Ako pa nga nag alaga sa kanya nung mga panahong busy mga anak nya sa work. Taga hugas ng pwet nya, taga pakain, inom ng meds. Buntis pa ko nun at nag aalaga ng 2 y.o kong anak. Tapos ngayon, pinag iisipan nya pala ako ng di maganda. Lately kasi blinocked nya ko sa fb. So inask ko si LIP. Tapos ngayon etong si LIP inask nya mama nya kung galit ba sya sakin Ang reply ba naman eh "Wala, baka sya?" Tapos ang dami dami na nyang sinasabi. Tapos ayan, sinasabi nya na may nag mamaneobra daw sa anak nya. Na kesyo pinag iinteresan daw yung bahay nila. Na kesyo iniisip daw na mas may power pa daw si LIP sa bahay nila kaya. Kung sino daw ung epal na nagsabi na mas may WILL daw si LIP sa bahay nila kesa sa magulang nya. Eh mga mamsh, ako lang naman ang karamay ni LIP sa lahat. 1 year na tengga si LIP dito sa bahay nila kasi nga walang work. Walang kaibigan yan, hindi naglalabas ng bahay. Kaya wala akong duda na ako sinasabi jan. Magkapitbahay lang kasi kami ni LIP. Akala nya pati nanay ko bine brainwash sya. Jusko nagsimula lang yan nung nakikitulog kami sa bahay nila. Kasi nga doon may aircon samin wala. Eh may mga anak kami, di kaya talaga yung init kaya nakiki aircon kami. Pumayag naman sya. Umuuwi naman ako dito samin, pag gabi lang kami doon. Tapos, nag usap kami ni LIP na mag negosyo para makakuha ng pang araw araw, which is scramble. Yung tindahan nilang bodega, inopen ulit para doon kami pupwesto. Akala nya ako nag pilit sa anak nya. Halos araw araw ni piso wala na sila nilalabas kasi ulam sa bahay, ulam din nila. Tama ba kutob ko mga mamsh? Na ako talaga problema ng byenan ko. 😐😶 7yrs na kami ni lip, pero ganyan pala iniisip nya sakin 😢 oo wala kaming sariling bahay, pero never kami nag hangad ng pag aari ng iba.

byenan
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mahirap mag assume kung hindi mo directly narinig sa knya, kung gusto mo ng peace of mind kausapin mo siya at pakinggan san galing mga sinasabi niya, kung kaya mo lng nmn, pwede din nmn na dumistansya kayo sa knila. may masasabi at masasabi parin kahit anong galaw nyo kung kayo nga yung pinag iinitan niya, mas mabuti lng na mag pakalayo layo sa mga taong negative sa buhay natin. hehe

Magbasa pa
4y ago

Ang sakit mamsh. Kasi kahit saang anggulo tignan, ako talaga. Wala naman syang ibang tao na maididikit sa asawa ko kasi kahit relatives niya di nya ka close.