AYAW MAGPALAPAG NI BABY LALO NA PAG GABI

Si baby po 4 days old na, laging gusto dumede at ayaw mgpalapag. Iiyak kapag walang dinedede at pag nilalapag naman, dapat tulog na at nahele ng halos isang oras. Pag madaling araw wala na akong pahinga kasi ayaw nya makisama at iiyak ng napakalakas. Naaawa ako sa kanya, laging naiyak kahit busog. Ano po ba magandang gawin? Salamat po sa sasagot.

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

7 weeks na lo ko. Nung first up to 4 weeks. Super behave nya. Pag nagigising hindi umiiyak. Pinapa dede ko lang. Tapos tutulog ulit. Every 2-3 hours gising nya. Pero nung mag 5 weeks, dun na sya nag umpisa maging grumpy pag gabi. At iiyak na parang sinasaktan pag di ko agad napa dede. Pag umiiyak nilalakad lakad ko. Tapos nakakatulog. Paglapag mo iiyak na naman. Ganyan palagi every night for 1 hour. At mas gusto nya dumede ng naka sidelying. Kahit antok na antok na, pag pinadede ko na naka upo ako, iiyak yan at ayaw dumede. At pag nakahiga na kami saka pa hihinto at dede.

Magbasa pa