Laging nagugulat
Normal ba sa newborn laging nagugulat, hirap nya patulugin. PAg nilalapag ko parang nagugulat nagigising agad konting ingay lang, iiyak ng iiyak .3 weeks old n sya
Yes sis para sila nalula din minsan, wag mo muna iduduyan sis si baby mo. Ginagawa ng lola ko lalagay sya lampin sa tuhod ni baby para di masyado malakas galaw nya pag nagulat sya.
Normal lang momsh.. Ganyan din si baby ko, ang ginagawa ko pipatulog ko sya ng nakatagilid tapos nakaunan sa braso ko habang yakap ko sya... Ayun mahimbing tulog nya 😊
Normal yan, startle reflex ang tawag. Di pa kasi well developed yung nerves ni baby. Kapag nagigising si baby mo pag nagugulag, iswaddle mo.
Normal lang po nagugulat sila try to swadde your baby..akin kasi nasanay na balutin pati kamay niya..kaya hnd makagalaw pag nagugulat
normal sa baby mommy pro lo ko hinihiga ko sa dibdib ko kpg mahimbing na tulog ihihiga ko na sya.mahirap tlga kc ngaadjust dn cla
Balutan mo lang ng pranella. Para hndi mag kawag un kamay kapag nagulat hndi yan basta basta magising po
Yes po ganyan din baby ko now. Kaya nilalapag ko na lang pag sobrang himbing na talaga tulog nya
Yes normal lng po yan sensitive pa kasi sila sa paligid nila kya ganyan d pa nakakapag adjust .
Same as my daughter hanggang ngayon na mag 2 months na sya may time pa din na gulat na gulat
Oo mommy normal yan. Dahan dahanin mo sa pagbaba. Kase feeling niya nalalaglag siya.