Finally ❤

Sharing my experience as a first time mom. Had my first IE on March 12. My mucus plug was dislodged the night before and my OB confirmed na open na yung cervix ko at 1CM. Sobrang naexcite ako. Akala ko next day manganganak na ako. Hahaha pero di pala ganun kabilis yun. Sobrang batong bato na ako sa bahay, wala kasi lagi akong kasama kundi aso. So wala akong kausap. My husband is away kasi nagwowork sya ang I had to stay here sa Bulacan kasi dito ako manganganak pero tiga-Calamba talaga kami. Anyway, fast forward to March 15. Nagising ako ng madaling araw para umihi tapos napansin ko basa na panty ko tapos may white na parang mucus ulet. Pero wala akong nararamdaman na pain sa kahit anong part ng katawan ko. Nagpalit na lang ako ng panty. Nahiga lang ako ulet tapos may nararamdaman akong tumutulo. Nung una di ko pinansin kasi ilang araw na akong ganun, nababasa yung panty ko. Sabi kasi ng matatanda samin normal daw yun. Saka yung amniotic fluid level ko adequate pa naman sabi ng ob ko. Kaya di ko pinansin. Pero nabanggit ko sa pinsan ko na nurse dun sa ospital na pag-aanakan ko. Sabi nya pumunta akong ospital para ipacheck. So ayun nga, pumunta ako ng ospital nung umaga din na yun. Nag IE ako, 1CM pa din. Tapos sabi nagleleak nga daw yung fluid ko. At dahil dun hindi na ako pinauwi. Nagulantang ako lol. Di naman ako prepared. Ni hindi nga ako naligo at kumain ng almusal tapos susweruhan na ako agad. Hehe. Inadmit nila ako para mamonitor saka para magantibiotic kasi nagleleak na nga at baka mainfect si baby pag hindi pa ko inadmit at pinabayaan lang. Nag IE ulet ako nung hapon na yun pero 1 CM pa din. At wala akong nararamdamang hilab or back pain. Nag set na ng expectation yung OB ko na kung hindi pa din hihilab or magdadilate yung cervix ko, CS na ako next morning. Tinanggap ko na, gusto kong magnormal pero kung makokompromiso naman yung safety ng anak ko, hindi bale na lang. Walang paghilab na naganap buong magdamag. Sabi sakin mag soup na lang daw ako sa umaga at ibaba na nila ako sa delivery room ng 8am. So ayun nga, binaba ako sa delivery room ng alas 8. Una muna nilinis nila yung bituka ko. Nakalimutan ko yung tawag sa procedure na yun pero may sinasaksak na something sa pwet para mapoop ka at malinis yung bituka. 4 times yata sinaksak sakin kaya hanggang kinabukasan nagdadiarrhea ako lol. Sabi nung nurse pampahilab din daw yung ginawa namin pero wa epek talaga. Mga 10:30 pinutok ng OB ko yung panubigan ko tapos dun na ako nakaramdam ang hilab. Since nakaramdam na ko ng hilab, inobserve ng ob ko kung magpoprogress at kung hindi, cs talaga. Sinamahan din ng pampahilab yung dextrose ko. Dun na nagsimula yung kalbaryo ko haha. Alam kong masakit mag labor base sa mga kwento ng mga kilala kong nanganak na. Pero bes, hindi ko pa rin naprepare yung sarili ko sa ganung sakit. Nakakaisang oras pa lang yung dextrose na may pampahilab sakin pinapatanggal ko na kasi ang sakit talaga. Sabi nung nurse na bantay ko, kayanin ko daw kasi 4cm na ako agad after an hour pero mas masakit pa yung mga kasunod. Sa loob loob ko, Lord gaano pa po ba kasakit. Hahaha. Next na IE sakin 7-8 CM na ako. Tapos hindi ko na alam kung anong nangyari kasi may sinakasak sakin tapos nakatulog ako. Nagising ako madami na kong kasama sa delivery room tapos pinapairi na nila ako. Tapos dumating na yung ob ko wala pa rin akong idea kung anong nangyayari na. Pinipilit nila akong umiri. Ako naman iri lang ng iri. Tapos kada iri ko may isang nurse na dumadagan sa tyan ko. Sobrang sakit. Grabe talaga. Hindi ko na alam kung gaano namin katagal ginawa yun. Tas sabi ng OB ko, rest muna daw ako. Tapos sinaksakan ako ng anaesthesia, wala na akong maramdaman mula sa balakang pababa. Akala ko iccs ako. Nun pala huhugutin na si baby. Hahahaha. Wala talaga akong idea sa nangyayari. Narinig ko lang na may umingit. Saka ko lang narealize na baby ko na pala yun. 7.7 lbs sya. Di ko alam paano ko sya nailabas ng normal to think na ayaw magdilate ng cervix ko kung hindi ako sasaksakan ng pampahilab. Paglabas ni baby hindi sya umiyak ng sobra, isang ingit lang. Nun pala nakasakal sa kanya yung cord. Kulay violet daw sya nung lumabas. Buti na lang nakarecover sya in a few mins, umiyak na sya ng bonggang bongga. At wala din syang complications. Worth it lahat ng hirap ko nung araw na yun. Grabe. I have been waiting for this day and it finally came. I'm so in love ❤?

Finally ❤
215 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Almost same sa experience ko. One and a half day po ako naka stay sa labor room. Akala ko yung pagpunta nmin sa hospital ay manganganak na talaga ako ksi sa IE 8cm na c baby. Kaya lang hindi na sya bumaba to 9 or 10 cm. One of the doctors said na kailangan na daw akong CS, medyo kinakabahan ako gusto ko kasing e normal delivery c baby. Fortunately, dumating sa hospitak yung OB ko she said na hindi na need e CS kaya lng daw e ND but tinurukan ako ng induce ba yun para bumaba talaga c baby. Sa awa ng Diyos na nakayan nmn. Lumabas c baby 3.9 kgs.

Magbasa pa

Congrats and Happy Mother's Day po. . Sana yung magpapaanak din sa akin ganyan din gawin ipush sa Normal Delivery EDD ko naman po is May 24. . CS kasi yung hinatol sa akin ng OB ko eh kasi CS din po ako sa First Born ko which is going to 6 years na ngayon eh gxto ko din po sana maranasang mag Normal Delivery saka para mas tipid sayang din po kasi yung magagastos kapag CS eh hehe. . I'm really praying for a Normal Delivery. .😣😩

Magbasa pa
VIP Member

Congratulations sis. Atleast nairaos mo. Ako naman waiting nalang talaga ako mag open yung cervix ko gustong gusto ko na talaga manganak kasi alam ko sa sarili ko wala akong pain tolerance pag pinatagal tska ayoko din naman ma CS kaya pray pray pa rin ako hanggang ngayon . Pero congratulations kasi kahit di ka prepare at malayo pa husband mo nakaya mo. Laban lang kayo ni baby mo ❤❤

Magbasa pa
5y ago

Akala mo lang mommy na wala kang pain tolerance, ganyan din ako eh hahahahhahaha pero nakaya ko naman. Pray lang mommy!

Your experience is so inspiring Mommy 💓 Thank you for sharing it. Im really looking forward to these kinds of stories sa mga araw na to kasi Im giving birth soon na rin. I am 37 weeks and 3 days pregnant. Di ko na rin ma explain nararamdaman ko. Nababato na rin ako dito sa bahay. Anyways, Congratulations 😍

Magbasa pa
6y ago

Kaya mo yan mommy! Kausapin mo lagi si baby. Goodluck sayo ❤❤❤

naiyak ako sa kwento mo mommy. ramdam ko hanggang dito ung kwento mo..hehe 6months n ung tyan ko and 1st baby ko. nkaktuwa makabasa ng ganitong storya. sana ung magiging storya ko mging ok din at healthy si baby ko.at sana si ako mahirapan. taga Dasma ako tpos manganganak ako sa intramuros.

6y ago

Aww kaya mo din yan mommy. Mahina din loob ko sa totoo lang, si baby at asawa ko lang nagpapalakas ng loob ko saka syempre si Lord. Godbless you! ❤

Super Mum

Momsh pano nilabas c baby? Dba normal kang nanganak? Bka ginamitan ng forcep? Ngtanong kba sa knila momsh? But anyway so amazing.. God is so good, sobrang nkakatakot po nung ng violet bby mo at naano pa sa cord nya..grabe tlga pero God is great di nya kayo pinabayaan congrats momsh!

5y ago

Hi mommy! Hindi ko rin po alam kung anong ginagawa nila down there lol. Ang alam ko lang habang nairi ako, may nurse na nadagan sa tyan ko para tulungan ma-push si baby. Siguro almost 1 hour of pushing din yun pero hindi ako sure kasi nakatulog ako nung 8cm ako nagising ako nandun na si Dra pinapairi na ako hehe

VIP Member

pareho tayo sis same story ung dimo na problemahin ang gastusin basta lalabas ang baby mo ng buhay at healthy.diko kinanakahiya na ung ibang pinam bayad namin sa doctors ko e utang kulang kasi ipon namin kala ko mag nonormal ako heheheh

6y ago

Yes mommy. Pera lang yan, kikitain din yan. Ang mahalaga safe si baby. ❤

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-153937)

VIP Member

Same. Ako naman 2pm nagleak na panubigan ko. 4pm hanggang sa manganak ako nakasaksak sakin yung dextrose na pampahilab plus yung gamot na pampalambot ng cervix. Sa buong 16 hrs kong labor grabe yung sakit. Congrats anyway.

6y ago

Wah ang tagal mo naglabor mamshie. Congrats sa atin ❤❤❤

Congrats sis.. grabe tlga hirap na pinagdadaanan ng isang ina mula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak at pagpapalaki.. hays goodluck samin na manganganak palang god bless sis