Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mama bear of 1 sweet son and another has come
Mens..
Out of topic po..Meron na po ba dito nakaranas ng nahinto ulit ung regla pero di buntis? September po ako nanganak.. November nagkaron na ako..biglang nawala december hanggang ngayon po.. Nag pt ako pero negative naman..Pills po pala gamit ko.
4 months old EBF ?
Kahit bumalik na ng trabaho ang mama, laban parin ang breastmilk.. ? Nagka chance pa magdonate ? Feeling determined..
About feeding a child
ctto.. We can use this as reference
LAGNAT
Hanggang kelan po ba pwedeng mabinat after manganak? Masakit kc katawan ko ngayon at may lagnat.. Septemner po ako nanganak.
Cut nails
15 days old po si baby. Pwede na po ba gupitan at wag na hintayon ang 1 month? Sabi kc nila after a month pa daw eh..
Pagpapadede Routine
Nung una na stress ako kc iyak ng iyak si baby, feeling ko d sya nakakadede ng maayos. Ansakit sakit na ng breasts ko pero parang d nya nababawasan feeling ko lalagnatin na ako so I decided to pump. Kaso wala ako halos mapump sa una. Siguro barado ang ducts. Nag init ako ng water, sinawsaw ang bimpo at pinahid pahid ko sa breasts ko. Kinabukasan nakakapag pump na ako ng hanggang 30 ml. Habang nagla latch si baby sa isang breast, pump naman sa kabila. Hanggang sa nakaka 60-90 ml ako sa isang breast lang. After 2-3 hours ipapadede ko muna ung napump ko pahinga muna breasts ko then pag gutom pa sya latch ulit. Pinapractice ko dn sya sa bote para d ako mahirapan kapag bumalik na ako sa work. Breastmilk parin naman kht sa bote. Napansin ko din nung umiinom ako ng malamig na tubig, humina ang pagproduce ng bf. Kaya tinigil ko at puro mainit na sabaw at milk na ang iniinom ko. Bumalik ang dami ng bf ko.. Tyagaan lang mga momshies para sa ikalulusog ni baby ? @2weeks old baby
2 weeks old..sharing our adventure
Alhamdulillah! nakaraos na po kami ni baby @38weeks ..share ko lang experience namin.. EDD Sept.19, Date of delivery is Sept.5.. Sept.3 palang may brownish discharge na sakin pag gising ko pero wala akong ibang nararamdaman kundi usual bh(braxton hicks) lang.. Lagi ako nagdadasal na sana makaraos na para masulit namin ni baby ung 105 days na leave ko..nagstart kc leave ko last sept.2 lang. Sept.5, around 7:30 pag gising ko umihi lang ako then may discharge nanaman and this time hindi lang brown kundi blood na.. So mejo nagexpect na ako na baka this is the day we've been waiting.. 7:45 nakaramdam na ako ng contractions na akala ko bh lang nanaman kc bearable naman..hanggang sa ang intervals nlng ay 5 mins-15 mins. Sabi ko, ito na nga siguro yon. Di pa ako pumuntang lying in kc bearable pa naman ang sakit at baka pauwiin lng ako. Sayang pamasahe, mejo malayo layo pa naman.nagdouble check ako ng documents at mga gamit namin para sa delivery..hanggang umabot ng hapon, mejo nawala wala ang contractions kaya nagdecide ako maglakad lakad para matuluyan na nga.. Nahintay ko pa hubby ko umuwi from work bago pumuntang lying in. around 7:30 PM nang dumating kami sa lying in, I.E result is 5cm! My gosh sabi ko, 5cm na pala ako bearable parin naman ang sakit.. Hanggang sa lumipas ang 2 hours patindi na ng patindi ang sakit.. 10:30PM Hindi na maipinta mukha ko at panay kapit ko na sa asawa ko. Pinapahimas ko dn likod at balakang ko nakaka soothe kc.. Saka pa lumapit itong midwife tinatanong ako ng kung ano2ng info.. Nakakabwiset! Kung kelan humihilab na ng bongga saka kayo magi interview! (Pero sa isip ko lang yon.haha) Ang sabi ko lang, 'sakanya niyo nlng itanong' (pointing to my hubby) habang ako di na malaman kung anong pwesto maigi maibsan lang kahit konti ang sakit. Pumutok na panubigan!!! 'Ayan na! Lalabas na! Sabi ko nlng..and everyone ay nataranta na..diretso delivery room.. 'Wag ka muna iire' sabi nila habang getting ready sila. 'Anong wag iire? Sobrang sakit na, mapipigil ko ba yon?(syemre sa isip lang ulit) ..ang nasabi ko lang 'Di ko na po kaya pigilin', sabay ire!!!!. Parang biglang naging first time ang lahat though 2nd child ko na ito. Nakalimutan ko na umire.. Nagi-instruct sila pero parang di pumapasok sa utak ko, ang nasa isip ko lang 'iire ko to kung pano ko gusto umire!!!' Nakailang ire, napunit, tinahi, at ito na nga!!! Woooh! 10:55, Baby's out! Grabe..worth it ang lahat nang nakita ko at narinig ko na iyak ng baby ko.. Sobra. Maraming salamat sa mga mommies dito na hindi madamot sumagot at magshare ng experiences. It's true na iba2 ang journey natin sa pregnancy pero it really helps parin to know difderent experiences para in case mangyari, alam na natin gagawin .. Good luck sa mga expecting mommies and God bless! ? PS: Municipal Lying in, wala kaming ginastos kahit singko, sila pa ang nagbigay ng pagkain samin. Under philhealth ang lahat.Kasama na newborn screening and birth cert. God Bless them.. ☺
Wag mag squat kapag mataas pa si baby!
Want to know why? Basahin ito... https://www.facebook.com/757969904279414/posts/2400850556657999/ ??? sharing is caring..
Malapit na?
Pag gising ko may discharge after ko umihi..pero di gaya nung nakaraang araw na brownish lang, ngayon blood n talaga..tapos maya maya may maliliit na buo buo na. Currently at exact 38th week ako.. Malapit na kaya?
Walang Effort
May nanganak ba dito na di masyadong naglakad, d kumain ng pineapple, d nagtake ng primrose oil, or d masyado nag squat pero safe nanganak and on time?