Hello, please do not judge me 😔
Okay so hello po, sana po matulungan niyo ako. I'm 24 years old and nanganak po ako with my first baby last February 2020. Okay naman po lahat, normal si baby and normal rin ang pag recover ko. March 2020 my partner and I started having contact again via withdrawal. Okay naman din lahat, walang complications and walang nabuo ulit. Yun nga lang, irregular period ko after giving birth which my OB said to be normal naman talaga. Minsan hihina, minsan malakas, minsan wala talaga. First week of June huling full period ko. June 17 and one week, may spotting ako. (wala kaming contact ni partner that time because he had to work and di siya uwian because covid nga, weekend lang siya umuuwi samin ni baby that time). Wala akong pagdududa sa condition ko kasi normal naman yun for me. Lumagpas ang July and August na wala akong period. May hinala na ako but I took TWO pregnancy tests and both clear negative. As in, clear talaga parehas. So okay I just had to wait for my period. Dumating September and my mother in law adviced me to go have an injectable sa health center. Sakto, may spotting ako ulit na konti kasi first week ng September yun and yun usually schedule ng period ko. So pumunta ako and since I said my spotting ako, di na nila ako chineck. They just gave me the injection. Okay naman, walang nangyari. Wala akong symptoms of ANYTHING. Ang sabi nila sakin is and side effects ng injection is bloating and walang period at all, so I just listened and went home. Lumagpas na October, November and December, wala pa rin akong symptoms. Walang sakit, walang sakit sa katawan, walang cravings, walang mood swings. December I went back to get another dose of injection. May spotting ulit konti so binigyan pa rin ako and advised me na bumalik na lang sa March 2021 ulit for third dose. January I'm noticing na pataba ako nang pataba. Di naman weird kasi nga kasama ko mother ko sa bahay and talaga tumataba ako kapag kasama ko siya. Pero what I'm noticing is yung tyan ko medyo lumalaki, my mother said na well side effect nga naman ng injection ang bloating. And since wala talaga akong nararamdaman na kakaiba, umagree na lang ako. February birthday ng anak ko and wala pa rin, tumaba lang din ako ulit. Nakapaglilpat bahay pa nga kami and ako pa yung mostly nagbubuhat ng mga gamit. Fast forward to now, medyo sumasakit na balakang ko the other day and ang sakit ng puson ko. May intervals yung sakit. Todya dapat ako babalik to get another injection pero sabi ko nga is hindi ako hiyang sa injection so papalitan ko ng pills na lang. Sa Saturday pa yung schedule ko sa OB but yung sakit ng puson ko ngayon reminds me of nung nanganak ako nung unang beses..........I'm so scared po mga mommies.... Ang layo pa naman ng partner ko and di ko alam gagawin ko if ever buntis nga ako ngayon and labor na pala ako ngayon nang di ko alam...... Just want to say again na wala akong symptoms po talaga. Walang cravings, or sakit ng katawan. Never ako nagsuka or naglihi. Pure breastfed din si baby since birth hanggang July. Walang napapansin mga tao sa paligid ko aside from madyo lumaki nga tyan ko. Wala din akong nararamdaman na sipa ng baby sa tyan ko although medyo matigas tyan ko. Mukha talaga akong buntis but I don't feel buntis except sa contractions ko ngayon.....