Di Ko Alam Saan Ako Lulugar
Share ko lang. Naiinis ako sa MIL ko. Sabihin ba naman saken na buti daw di sya maarte kahit di malinis ang bahay. Tapos bakit daw hindi manlang ako makapagluto ng breakfast. Late na kasi ko nagigising. After magpaaraw, sleep ulit kami ng baby ko. Puyat kasi gawa nagigising sya madali araw. Wala din ako time maglinis, wala kami maid and focus ako kay baby. Pag tulog lang tyaka ako nakakakilos. Kung day off ng asawa ko, weekends nakakapaglinis kami. Sya wala naman sa bahay. Sarili bahay namin yun,binili namin ng asawa ko kahit di pa tapos bayaran kasi nga gusto namin bumukod. Nakaawa lang kasi ayaw nya umuwi ng probinsya kaya dun sya nakatira samen. Tapos ganun pa maririnig ko. Kabwisit!
Ako nga Mii, yun nanay ng partner ko.. Di talaga kme in good terms ngayon. as in katapat bahay lang namin sya pero di kami nagkikita. Why? Come to think of this mga mommies.. Dinugo ako, possible makunan, hinatulan ng bed rest. Tapos ginawang issue.!! Kesyo tamad daw ako at hindi nakilos sa bahay.! My God.! Bed Rest nga eh dba.? At pinlastik pa nya Nanay ko..chinismis pako sa iba na tamad nga daw ako. Isipin nyo, BED REST ako for a week, katapat bahay lng nmen cla pero never aqng pinuntahan s bahay to check and ask me kng ano na ba lagay ko. Then non nalaman andto magulang q s bahay, pmunta tapos bungad sakin kelan balik ko sa trbho!?? Grabe.. Pinuri puri ko pa naman sya sa lahat ng ktrbho ko telling them that I'm lucky na maasikaso cla. Un pala naman, dahil lang pala nag eexpect na magbbgay ako ng pera sa kanya..at mas maayos trabaho ko at income ko sa anak nya. Hays..
Magbasa paMabait byenan ko pero atribida minsan lalo na nung nagbubuntis ako laging nakamasid yan para may mapuna kesyo bili ako ng bili ng gamit ng baby, bakit nagpapa alaga sa ob samantalang nung unang panahon daw wala namang ganun. Nung pinagbedrest ako sabi nya masama daw laging nakahiga, nung biglaan akong napaanak dahil sa preeclampsia wala daw kc akong exercise. Useless gumastos sa OB masama daw maraming iniinom na prenatal vitamins dumating pa sya sa point na ikumpara ang pagbubuntis ko sa ibang tao. Gustung gusto kong sumagot pero iniisip ko nanay parin yun ng asawa ko kaya lahat nasa dibdib ko. Hanggang ngayon di ko parang sirang plaka kung mag playback sa isip koπwag mo intindihin mommy magfocus ka nalang sa baby mo yan ang pinaka importante. Saka na ang paglilinis kapag tulog si baby. Take time to rest din yaan mo si mudra magdakdak magsasawa din yanπ
Magbasa pahaha medyo intrimitida si mudra ni husband. sabhin mo sa husband mo sis.. Ska wag mo intindhin sinasabi Niya. ikaw Ang Reyna diyan dahil bahay niyo Po iyan.. kaya gawin mo gusto mo.. sabhin mo n lng in a nice way na Hindi mo n siya mapag luluto Ng breakfast dahil puyat kaka alaga Ng Bata. baka sa ibang bahay Ng kaaptid Ng husband mo maipag luto siya. . ππ dretsuhin mo in a nice way n d mo magagawa demands Niya. beside siya Ang nkikitira.. sadyain mo n rin mag kalat Ng magkalat. inisin mo Ng inisin Ng umalis sa puder niyo.. hayaan mo din na marinig nya iyak ni baby sa madaling araw para pati siya puyat. ung pag Kain sa ref Yung mga pag Kain na ayaw Niya.. ππππππ aalis Yan sa Inyo. wag mo I please.
Magbasa paInis din ako sa Mil ko. Parang ang tingin nya sakin wala akong alam sa pagaalaga ng baby. Tapos pag nilalaro anak ko, wag ko daw halikan sa tiyan, pag buhat ko, ayusin ko daw ang buhat eh okay naman. Lahat na lang napansin at may puna. Nilinisan ko ng katawan, mando sya ng mando at nakabantay pa. Konti iyak ng anak ko, agad agad na gusto kunin at sya ang magpapatahan. Alam ko mahal nya anak ko, pero nakakalimutan nyang ako ung nanay ng bata. Kaya sorry na lang kay Lord, kahit magisa sya sa mansion nya, di ako papayag na hindi ako ibubukod ng asawa ko. Hndi ko sya kasama sa bahay, baka mamatay ako ng maaga sa stress.
Magbasa paactually. mali talaga pagkasabi ni MIL mo. π and sana magkusa nalang maglinis linis kesa mamuna pa. pero try to practice nalang mamsh clean as you go. para di ka rin mahirapan maglinis pag nag pile up ang kalat. 2months palang LO ko, wala rin kami kasambahay ako lang naiiwan sa bahay pag pumapasok si hubby, laba, luto at iba pang gawain then work naman sa gabi as VA pero I make sure lagi na malinis ang paligid lalo may baby.
Magbasa paano ba ung MIL?
Sabihan mo po asawa nyo mamsh na kausapin nanay nya. Kaya nga kayo bumukod para di kayo magkaproblema tapos sya na nga lang nakikitira sya pa ganyan. Nako di pwede sakin ganyan. Nanay sya alam naman siguro nya gaano kahirap kapag may baby. Hirap talaga kumilos lalo pag iyakin ang baby
Dedma nalang mommy! Ganyan talaga ibang tao, lageng may mapupuna sayo. Kung sobrang affected ka, try mo kasusapin ang asawa mo para sya kakausap sa nanay niya. Wag yung ikaw ang kokomoronta kasi mas mahirap na.
Samen baliktad ayoko ng makalat ang nkikita ko lalo na burara asawa ko tapon dito tapon don kaya pag madumi ang bahay lagi mainit ulo ko kaya wala nasasabi na ganun magulang ng asawa ko saken
kausapin mo si hubby mo mamsh na kausapin ang nanay nya at huwag ka stressin esp nakatira sya sa bahay nyo. kung wala sya masabi hindi maganda better to shut up kasi di sya nakakatulong sa iyo.
dapat walang kuda kuda alam naman nyang may baby ka edi sya maglinis duhh problema ba yun at sya din mag luto ng breakfast tulong na nya yun wag reklamador di naman nya house yan π€£