Di Ko Alam Saan Ako Lulugar

Share ko lang. Naiinis ako sa MIL ko. Sabihin ba naman saken na buti daw di sya maarte kahit di malinis ang bahay. Tapos bakit daw hindi manlang ako makapagluto ng breakfast. Late na kasi ko nagigising. After magpaaraw, sleep ulit kami ng baby ko. Puyat kasi gawa nagigising sya madali araw. Wala din ako time maglinis, wala kami maid and focus ako kay baby. Pag tulog lang tyaka ako nakakakilos. Kung day off ng asawa ko, weekends nakakapaglinis kami. Sya wala naman sa bahay. Sarili bahay namin yun,binili namin ng asawa ko kahit di pa tapos bayaran kasi nga gusto namin bumukod. Nakaawa lang kasi ayaw nya umuwi ng probinsya kaya dun sya nakatira samen. Tapos ganun pa maririnig ko. Kabwisit!

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Inis din ako sa Mil ko. Parang ang tingin nya sakin wala akong alam sa pagaalaga ng baby. Tapos pag nilalaro anak ko, wag ko daw halikan sa tiyan, pag buhat ko, ayusin ko daw ang buhat eh okay naman. Lahat na lang napansin at may puna. Nilinisan ko ng katawan, mando sya ng mando at nakabantay pa. Konti iyak ng anak ko, agad agad na gusto kunin at sya ang magpapatahan. Alam ko mahal nya anak ko, pero nakakalimutan nyang ako ung nanay ng bata. Kaya sorry na lang kay Lord, kahit magisa sya sa mansion nya, di ako papayag na hindi ako ibubukod ng asawa ko. Hndi ko sya kasama sa bahay, baka mamatay ako ng maaga sa stress.

Magbasa pa