pakilamerang biyenan!

Share ko lang.. 1month old na si lo when we decided to fly to surigao dahil sabi ng mga biyenan ko mas maalagaan daw kami doon ni lo. Na marami daw masasarap na pagkain at mga fresh pa. So sige umokey ako (my husband is in abroad) paguwi namin doon ok naman pakikitungo ko sa mil ko, since mag bf/gf pa lang kami ni husband. Ok naman kami pero were not that close pero nakasama ko na noon sa house pero were very ok.. First apo ang lo ko, then eto na lahat na ng way ng pagaalaga ko sa lo ko pinapakelaman nya. Nagkarashes si lo dahil babywipes ang ginagamit nya pang clean sa poopoo ni lo. Eh ang ginagamit ko is cotton and warm water. Tapos nung nagkarashes meron na akong cream na reseta ng doctor ung Rash Free pro ayae nya yun ang ilagay at nagpapaniwala a mga sabi sabi na cornstarch ang ilagay! Shit talaga!!! Sinabihan ko sya na wag at sinabihan pa ako na mas marunong pa ako. Days went by nagpacheckup kami sa Pedia then asked the pedia kung anong cream pwedeng gamitin sa rashes so tama ang Rash Free tapos gusto talaga ipagpilitan ng mil ko sa pedia na nilagyan nya ng cornstarch.. Medyo napahiya sya sa art na yon dahil pinagalitan pa sya ng pedia.. Before kami mag fly sa surigao, nag bbf ako kay baby and formula milk pero mas marami ang formula milk dahil gusto ko maging healthy sya. Tapos etong mil ko! Never pnriority ang pag bbreast feed ko, hindi ako nilulutuan ng masabaw, puro puyat at stress inaabot ko saknya. Hindi man lang ako tulungan sa pag aalaga kay lo (CS po ko ay medyo fresh pa sugat that time) tiniis ko yung sugat ko dahil ayaw naman nya ako tulungan. :( naiiyak na ako nun bakit ba ako pumayag na umuwi doon pro di naman ako naalagaan ng maayos. Nagmukha akong katulong dahil hindi man lang ako makaligo, makakain ng maayos ni maka ihi nga at madalas pa iwanan kami ni lo sa bahay. Naging kabagin si baby kaya reason din un para maging iyakin sya. At sinabihan pa ako ng mil ko na ginugutom ko anak ko dahil pinapadede ko pa sya sa dede ko na hindi naman daw sapat para sa baby ko. Nahuhurt ako dahil gusto ko talaga na mag breastfed saknya bago man lang ako bumalik sa work pero ang mil ko gustong gusto pinapadede ng formula kaya umuunti supply ng gatas ko kaya na depressed ako noon. Isa pa ang pinakelaman ng mil ko ang pagbinyag sa anak namin na hindi man lang kami iniiform mag asawa. Sinusulat name ko sa seminar pero sya ang umaattend. Kinausap namin sya na hintayin makauwi asawa ko dahil minsan lang naman sya mabinyagan at unang anak pa namin. Galit na galit sakin ang mil ko kahit maayos naman pakikipagusap ko. Tapos etong January nagdecide nalang ko umuwi at iniwan ko anak ko sa mil ko kahit labag sa kalooban ko. Para makapagipon at makabayafd ng utang saknila dahil sila sumagot halos ng bill ko at bill ng anak ko nung nagka pneumonia sya. (Kaya siguro entitled ang mil ko sa apo ko dahil sila ang gumastos sa mga bills) Ngayon lagi ko chinchat mil ko kung pwede ko ba ma videi call anak ko pero hindi ako sine seen at simula umuwi ako 1beses ko palang nakita anak ko :( tapos sinasbi nya pa na matutulog na wala pang 5mins na nagchat kami at hindi man lang ako kinukwentuhan kung ano na nangyayari sa anak ko :( pero sa byenan kong lalaki lagi sila nag vvideocall pati sa anak nyang babae. Pero ako na nanay hindi man lang makita ang anak ko. Pakiramdam ko nilalayo ng mil ko ang anak ko sakin. Habang tinatype ko to naiyak ako. Ang sama ng loob ko sa byenan ko. May anak pa naman syang babae at nanay din naman sya bakit nya pinaparanas sakin to. Wala naman akong ginagawang masama. :( 4mos palang si lo gusto nya nang pakainin ng cerelac rice :( gusto ko sana 6mos pa. Pinainum na din ng water since hindi naman na sya breastfeed. Pero ginagawang gatas ang tubig dahil halos 1oz din nauubos ni lo. Ay hinahayaan nya lang yun kesyo uhaw daw. Putangina talaga!!! :( kaya ayun mahina dumede ng gatas dahil naintroduce na saknya ang water. Nakakainis!!!!

50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Balikan mo mommy..dapat nasa sayo baby mo kahit anong mangyari...umuwi ka ulit don at kunin mo kahit mgka matayan kayo mamsh anak mo yon my karapatan ka..habang maaga pa kunin mo na wag mo na patagalin pa...naawa ako sayo mamsh kung kapatid lng kita ako mismo sasama sayo..nakaka inis..update ka mamsh...hays ano ba yan parang ako ang nangagalaiti...ksi ganyan din byenan pero ako prin nasusunod pag dating sa mga anak ko dahil anak ko yon...

Magbasa pa

Bumalik ka don kuhain mo anak mo, hindi reason ung sila nagbayad ng bills mo para mawalan ka ng karapatan sa anak mo. Kaya mo un bayaran ng hindi iniiwan anak mo sa kanila. Kahighblood cornstartch nilagay sa rashes tapos nilista sa binyag sya umattend tapos gusto 4 months papakain. Nahighblood ako mamsh. At ikaw kuhain mo anak mo wala sila laban pag kinuha mo yan kahit magkademandahan pa kayo no. Wala sila laban nanay ka nyan.

Magbasa pa
VIP Member

Ipaalam mo kay hubby ang mga nangyari para may idea siya kung anong nangyari nung time na nagstay ka sa MIL mo. Kunin mo na rin si baby huwag mo na pong hintayin na tuluyang malayo sa iyo ang bata. Pag usapan po ninyong mag asawa kasi kung kikimkimin mo lang lahat ng nararamdaman mo baka po mauwi sa depression ang nararamdaman mo ngayon. Mas may karapatan ka po kay baby mamsh kaya dapat nasa iyo po siya.

Magbasa pa

Ikaw po ang nanay, ikaw ang mas may karapatan kay baby. Kunin nyo po sya habang kaya pa. Dahil pag nasanay po ang bata sa lola nya, mahirapan na po kayo kunin. Better talk to your husband din po about dyan sa bill, mas kailangan ka po ng anak mo., wag sana kayo umabot sa point na magkikita kayo pero sa studio na ni tulfo. Godbless mommy, sana makuha mo anak mo.

Magbasa pa
5y ago

Korek.

Super pakealamira naman niang byenan mo parang kuntrabida. Kunin mo nalang anak mo mas maigi pa. Kahit d ka muna mag work, naproprovide naman ata ng asawa mo pangangailangan mo. Mas maigi ikaw mag alaga ng anak mo. Ikaw mas nakaka alam kung ano ikakabuti ng anak mo. Sympre alam din nila kc expert na kaso ikaw nanay ng bata mas malakas instict mo sa baby

Magbasa pa

Alam mo na tatanga tanga mil mo na kung ano ano bnbgay sa anak mo tapos iniwan mo sya😭😭😭 jusko anak ko nga maggrocery lang ako namimiss ko na kaya umuuwi ako agad e tapos ikaw natiis mo sya.. mas grabe ka sa byenan mo dahil ikaw nang-iwan kay baby. Gumawa ka ng paraan kunin mo anak mo wag ka post ng post jan! Ipatulfo mo kung ayaw ibigay!!!!

Magbasa pa

D mo dapat iniwan ang anak mo dun, una alm na alm mo na naging sitwasyon nyo dun at mga ginagawa nya sa baby mo. Pangalawa sabi mo nasa abroad asawa mo bkt ikaw ang mgbabayad ng utang nyo sa mil mo? Wag mo muna intindihin utang nyo ANAK mo unahin mo alm mo na pala na ganun ang gingawa ng mil mo natitiis mo at iniwan mo pa sa kanya anak mo..

Magbasa pa

Ate balikan mo anak mo please. Ikaw ang higit sa lahat ang makaka alaga ng maayos sa baby mo. Yung utang hayaan mo na muna yun, yung baby mo importante. Mahirap pa niyan pag lumaki na yan tas na brainwash ng mil mo, saklap niyan. Hindi malabong mangyari yun. Gawin mo mag ipon ka pamasahe mo pauwi, kunin mo yung anak mo. 🙏🙏🙏

Magbasa pa
5y ago

Update mo kami pag nakuha mo na anak mo. Please, ikaw nanay niyan mas may karapatan ka.

Grabe ka naman bakit mo iniwan??!!!! Kunin mo kahit gano kahirap buhay dapat magkasama kayo!!!! Sorry pero antanga mo mommy para iwan anak mo alam mo na nga kung ano ano gngwa at pinapakain sakanya ng byenan mo tapos iniwan mo padin! Napakagaga mo!!! DESERVE MO UMIYAK NGAYON DAHIL NAGDESISYON KA IWAN SYA!!!! NO EXCUSES!!!

Magbasa pa

Mommy bumalik ka don at kunin mo si lo. Pag pinatagal mo pa sinasabi ko sayo mahihirapan ka ng kunin siya. Baka isa ka na din sa libo libong taong lumalapit kay tulfo para mabawi ang anak mo. Wag mong isipin yung bill mo sa panganganak asawa mo dapat ang gumawa ng paraan para mabayaran niya magulang niya.

Magbasa pa