pakilamerang biyenan!

Share ko lang.. 1month old na si lo when we decided to fly to surigao dahil sabi ng mga biyenan ko mas maalagaan daw kami doon ni lo. Na marami daw masasarap na pagkain at mga fresh pa. So sige umokey ako (my husband is in abroad) paguwi namin doon ok naman pakikitungo ko sa mil ko, since mag bf/gf pa lang kami ni husband. Ok naman kami pero were not that close pero nakasama ko na noon sa house pero were very ok.. First apo ang lo ko, then eto na lahat na ng way ng pagaalaga ko sa lo ko pinapakelaman nya. Nagkarashes si lo dahil babywipes ang ginagamit nya pang clean sa poopoo ni lo. Eh ang ginagamit ko is cotton and warm water. Tapos nung nagkarashes meron na akong cream na reseta ng doctor ung Rash Free pro ayae nya yun ang ilagay at nagpapaniwala a mga sabi sabi na cornstarch ang ilagay! Shit talaga!!! Sinabihan ko sya na wag at sinabihan pa ako na mas marunong pa ako. Days went by nagpacheckup kami sa Pedia then asked the pedia kung anong cream pwedeng gamitin sa rashes so tama ang Rash Free tapos gusto talaga ipagpilitan ng mil ko sa pedia na nilagyan nya ng cornstarch.. Medyo napahiya sya sa art na yon dahil pinagalitan pa sya ng pedia.. Before kami mag fly sa surigao, nag bbf ako kay baby and formula milk pero mas marami ang formula milk dahil gusto ko maging healthy sya. Tapos etong mil ko! Never pnriority ang pag bbreast feed ko, hindi ako nilulutuan ng masabaw, puro puyat at stress inaabot ko saknya. Hindi man lang ako tulungan sa pag aalaga kay lo (CS po ko ay medyo fresh pa sugat that time) tiniis ko yung sugat ko dahil ayaw naman nya ako tulungan. :( naiiyak na ako nun bakit ba ako pumayag na umuwi doon pro di naman ako naalagaan ng maayos. Nagmukha akong katulong dahil hindi man lang ako makaligo, makakain ng maayos ni maka ihi nga at madalas pa iwanan kami ni lo sa bahay. Naging kabagin si baby kaya reason din un para maging iyakin sya. At sinabihan pa ako ng mil ko na ginugutom ko anak ko dahil pinapadede ko pa sya sa dede ko na hindi naman daw sapat para sa baby ko. Nahuhurt ako dahil gusto ko talaga na mag breastfed saknya bago man lang ako bumalik sa work pero ang mil ko gustong gusto pinapadede ng formula kaya umuunti supply ng gatas ko kaya na depressed ako noon. Isa pa ang pinakelaman ng mil ko ang pagbinyag sa anak namin na hindi man lang kami iniiform mag asawa. Sinusulat name ko sa seminar pero sya ang umaattend. Kinausap namin sya na hintayin makauwi asawa ko dahil minsan lang naman sya mabinyagan at unang anak pa namin. Galit na galit sakin ang mil ko kahit maayos naman pakikipagusap ko. Tapos etong January nagdecide nalang ko umuwi at iniwan ko anak ko sa mil ko kahit labag sa kalooban ko. Para makapagipon at makabayafd ng utang saknila dahil sila sumagot halos ng bill ko at bill ng anak ko nung nagka pneumonia sya. (Kaya siguro entitled ang mil ko sa apo ko dahil sila ang gumastos sa mga bills) Ngayon lagi ko chinchat mil ko kung pwede ko ba ma videi call anak ko pero hindi ako sine seen at simula umuwi ako 1beses ko palang nakita anak ko :( tapos sinasbi nya pa na matutulog na wala pang 5mins na nagchat kami at hindi man lang ako kinukwentuhan kung ano na nangyayari sa anak ko :( pero sa byenan kong lalaki lagi sila nag vvideocall pati sa anak nyang babae. Pero ako na nanay hindi man lang makita ang anak ko. Pakiramdam ko nilalayo ng mil ko ang anak ko sakin. Habang tinatype ko to naiyak ako. Ang sama ng loob ko sa byenan ko. May anak pa naman syang babae at nanay din naman sya bakit nya pinaparanas sakin to. Wala naman akong ginagawang masama. :( 4mos palang si lo gusto nya nang pakainin ng cerelac rice :( gusto ko sana 6mos pa. Pinainum na din ng water since hindi naman na sya breastfeed. Pero ginagawang gatas ang tubig dahil halos 1oz din nauubos ni lo. Ay hinahayaan nya lang yun kesyo uhaw daw. Putangina talaga!!! :( kaya ayun mahina dumede ng gatas dahil naintroduce na saknya ang water. Nakakainis!!!!

50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hirap talaga. Ako nga one week lang nag stay sa bahay ng biyenan umay na umay na. Parang kinuwestyon na niya ang pagiging nanay ko. Sininok lang gusto na agad painumin ng tubig e wala pa isang buwan anak ko. May rashes sa mukha sinisi na agad sa buhok ko porket nakita niya akong nakalugay. Lintian.

nakaka gigil naman mil mo sis, kunin mo na anak mo sa kaniya.. mas masarap pa din na ikaw ang kasama nya, baka pag lumaki anak mo malayo na loob sayo.. pag hindi ibigay sayo ipa alam mo sa dswd or baranggay wala sila magagawa dahil ikaw ang nanay.. ikaw ang may mas karapatan sa bata..

I feel you mamsh 😔😔 kakapanganak ko lang din. And i think may ppd ako. Nag stay and help si mil sakin which is malaking tulong din. But minsan im not happy dahil parang di ko na magawa yung gusto kong way for me and my lo.gusto kong mapagisa kami ng lo ko. I feel useless. 😔

ISA KA DIN EWAN ALAM MO GANON GNGWA MIL MO AYAW MO PA KUNIN ANAK MO!!!! ANO MAGAGAWA NG PAG RANT MO DITO?? MASASAVE BA ANAK MO?? KILOS KILOS DIN!!! KAYA KA KINAKAYA NG BYENAN MO KASE DKA LUMALABAN!!! NAKAKAAWA SI BABY JUSKO KAHIT ANO PA SABIHIN MO INIWAN MO PADIN SI BABY!!!!

Kunin mo anak mo. Anak mo yun. Whatever happens kahit ipa-brgy mo pa siya sayo pa din mapupunta anak mo. Wag mo hayaan na siya mag-alaga sa anak mo. Mamaya di ka ipakilala na nanay ni baby mismo. Habang bata pa siya kunin mo na. Hindi mo dapat hinayaan na maiwan anak mo.

Balikan mo si baby, let your husband know that, too. Kasi tatanungin ka for sure ng husband mo kung bakit mo kukunin si baby. Explain it to him. Whether he gives approval or not, get your baby back. Tiisin mo lng, makakaraos din kayo ni baby, kahit malayo si daddy.

Dami mo sinasabi jan balikan mo anak mo!!! Porket sila nagbayad bills sakanila na anak mo?? Ikaw naman iniwan mo! Wag mo na bayaran responsibilidad yon ng asawa mo na bayaran which is ng anak nila. Kunin mo anak mo bago pa mapahamak yon don!!!!!

bakit mo kasi iniwan anak mo..pwede mo naman sya isama kc right mo yun kasi ina ka..kunin mo anak mo at wag k lang umiyak diyan sa tabi tabi..ipamukha mo diyan sa pakialamera mong biyenan na mas alam mo ang nakakabuti sa anak mo kesa sa kanya..

In the first place bakit mo iniwanan anak mo. Kahit pa sila nagbayad ng bill nyo di mo dapat iniwan tapos ganyan ka ngayon. Wala ka na magagawa sa byenan mong pakialamera, pero sa pag aalaga ng anak mi madame. Kaya kunin mo na anak mo.

6y ago

Madame? Madami

Nako kunin niyo na po si baby wag niyo po hayaang byenan mo ang mag alaga knowing ganun ang pag alaga niya na di tama. Kawawa lang si baby. Bakit niyo po iniwan mag isa doon lalo na ganun ang mil mo. Get your child back asap.