pakilamerang biyenan!

Share ko lang.. 1month old na si lo when we decided to fly to surigao dahil sabi ng mga biyenan ko mas maalagaan daw kami doon ni lo. Na marami daw masasarap na pagkain at mga fresh pa. So sige umokey ako (my husband is in abroad) paguwi namin doon ok naman pakikitungo ko sa mil ko, since mag bf/gf pa lang kami ni husband. Ok naman kami pero were not that close pero nakasama ko na noon sa house pero were very ok.. First apo ang lo ko, then eto na lahat na ng way ng pagaalaga ko sa lo ko pinapakelaman nya. Nagkarashes si lo dahil babywipes ang ginagamit nya pang clean sa poopoo ni lo. Eh ang ginagamit ko is cotton and warm water. Tapos nung nagkarashes meron na akong cream na reseta ng doctor ung Rash Free pro ayae nya yun ang ilagay at nagpapaniwala a mga sabi sabi na cornstarch ang ilagay! Shit talaga!!! Sinabihan ko sya na wag at sinabihan pa ako na mas marunong pa ako. Days went by nagpacheckup kami sa Pedia then asked the pedia kung anong cream pwedeng gamitin sa rashes so tama ang Rash Free tapos gusto talaga ipagpilitan ng mil ko sa pedia na nilagyan nya ng cornstarch.. Medyo napahiya sya sa art na yon dahil pinagalitan pa sya ng pedia.. Before kami mag fly sa surigao, nag bbf ako kay baby and formula milk pero mas marami ang formula milk dahil gusto ko maging healthy sya. Tapos etong mil ko! Never pnriority ang pag bbreast feed ko, hindi ako nilulutuan ng masabaw, puro puyat at stress inaabot ko saknya. Hindi man lang ako tulungan sa pag aalaga kay lo (CS po ko ay medyo fresh pa sugat that time) tiniis ko yung sugat ko dahil ayaw naman nya ako tulungan. :( naiiyak na ako nun bakit ba ako pumayag na umuwi doon pro di naman ako naalagaan ng maayos. Nagmukha akong katulong dahil hindi man lang ako makaligo, makakain ng maayos ni maka ihi nga at madalas pa iwanan kami ni lo sa bahay. Naging kabagin si baby kaya reason din un para maging iyakin sya. At sinabihan pa ako ng mil ko na ginugutom ko anak ko dahil pinapadede ko pa sya sa dede ko na hindi naman daw sapat para sa baby ko. Nahuhurt ako dahil gusto ko talaga na mag breastfed saknya bago man lang ako bumalik sa work pero ang mil ko gustong gusto pinapadede ng formula kaya umuunti supply ng gatas ko kaya na depressed ako noon. Isa pa ang pinakelaman ng mil ko ang pagbinyag sa anak namin na hindi man lang kami iniiform mag asawa. Sinusulat name ko sa seminar pero sya ang umaattend. Kinausap namin sya na hintayin makauwi asawa ko dahil minsan lang naman sya mabinyagan at unang anak pa namin. Galit na galit sakin ang mil ko kahit maayos naman pakikipagusap ko. Tapos etong January nagdecide nalang ko umuwi at iniwan ko anak ko sa mil ko kahit labag sa kalooban ko. Para makapagipon at makabayafd ng utang saknila dahil sila sumagot halos ng bill ko at bill ng anak ko nung nagka pneumonia sya. (Kaya siguro entitled ang mil ko sa apo ko dahil sila ang gumastos sa mga bills) Ngayon lagi ko chinchat mil ko kung pwede ko ba ma videi call anak ko pero hindi ako sine seen at simula umuwi ako 1beses ko palang nakita anak ko :( tapos sinasbi nya pa na matutulog na wala pang 5mins na nagchat kami at hindi man lang ako kinukwentuhan kung ano na nangyayari sa anak ko :( pero sa byenan kong lalaki lagi sila nag vvideocall pati sa anak nyang babae. Pero ako na nanay hindi man lang makita ang anak ko. Pakiramdam ko nilalayo ng mil ko ang anak ko sakin. Habang tinatype ko to naiyak ako. Ang sama ng loob ko sa byenan ko. May anak pa naman syang babae at nanay din naman sya bakit nya pinaparanas sakin to. Wala naman akong ginagawang masama. :( 4mos palang si lo gusto nya nang pakainin ng cerelac rice :( gusto ko sana 6mos pa. Pinainum na din ng water since hindi naman na sya breastfeed. Pero ginagawang gatas ang tubig dahil halos 1oz din nauubos ni lo. Ay hinahayaan nya lang yun kesyo uhaw daw. Putangina talaga!!! :( kaya ayun mahina dumede ng gatas dahil naintroduce na saknya ang water. Nakakainis!!!!

50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung bagong anak ko minadali ng in laws ko na tumira kami sa kanila pero tsaka lang kmi tumira sa kanil nung nag one month anak ko kAsi nd namN ganon kalinis bahay nila at laging may ubo mga kpatid ng asawa ko kaya sabi ko tsaka nalang kaya nag ka pnumonia anak k nilalabas nila ng walang sumbrelo khit mahamog na lGing sila ang nasusunod sa anak ko ngayon 5 months na anak ko tapos ngayon pilit nil kaming pinaaalis alam nmn naming dapt nakabukod na kami pero hindi agad agad na nakakaalis kami plano namin umalis nuon pa nung may pera kami pero cla tong nagagalit kapg pupunta kami sa bahay ng daddy ko yung bahay ng daddy ko kami lang nakatira ng anak ko at asawa ko less gastos kasi dalawa lang nmn kming kakain kesa dita sa mil ko nagagalit sila kapg nd kami bumibili ng bigas or ulam alam naman nilang nasa 8k a month lang sahod ng asWa ko sa anak palang namin kulang na yun kasi lgi nalang sya nagkaka ubo at sipon hindi naman sila tumutulong sa pag gastos sa anak ko kapag nagkksakit anak k tutal cla din nmn may gawa jun dahil nilalabas nila ang anak ko kahit hapon na samantalang samin ingat na ingat ang anak

Magbasa pa

Sis for me hindi maganda na iniwan mo ang baby mo mas kailangan ka nya kesa sa byenan mo. Alam mo sis ako kahit na maganda pakikitungo ng byenan ko sakin nag decide ako bumalik sa mama ko pati ang husband ko kasama kc alam ko na mas maaalagaan ko siya katuwang ang mama ko kc mapagmahal siya hindi ako nagkamali sa desisyon ko kc mas mahal pa ng mama ko ang anak ko kesa sakin hehe. Nagsakripisyo ako ginive up ko na lang ang career ko kesa walang magbantay sa baby ko kc lahat naman ng tao sa bahay may trabaho at ayaw ko din ipabantay sa yaya.. Baby mo un sis ikaw ang pinakamakakapagbigay ng pagmamahal sa kanya bonus na kung pati ang parents and in laws mo ganon. Kaya ung anak ko sis 5 year old palang siya nakikita ko sa kanya na lumalaki siyang mapagmahal na bata kc surrounded siya ng mga taong mapagmahal... 💕

Magbasa pa

Naku ganyan din nangyari sakin. Nag stay din kami ng husband ko sa house nila at plano sana naming doon na sa lugar nila tumira. First baby din namin, first apo nila. Kung ano-anong pamahiin ginagawa sa bata, Born Again ako kaya hindi ako naniniwala. Sinabing wag gamitan ng manzanilla, ginagamitan pa rin yun tuloy nag ka puti-puti tyan ni baby. Tsaka kahit saan dinadala, kahit mainitan sinakasakay nila sa motor, hindi pa nag papaalam kung saan dadalhin yung bata. Ang gulo talaga pag kasama mo mil mo. Kaya nag change mind ako, umuwi na lng ako sa amin. Tsaka sabi nila iwan ko na lng sa kanila baby ko, naku mag kamatayan kami never ko iiwan baby ko sa iba, kahit sa kanila pa. Kaya king ako dayo, kahit may utang ka, wala silang karapatan ilayo sayo anak mo. Baka lumaking di ka kilala at i brainwash nla baby mo.

Magbasa pa

Una. Ipaalam mo sa asawa mo yan..Yung mga sinabi mo dito. 2nd, mas ok sana kung kuhain mo na lang anak mo kesa ma stress ka at mabaliw kakaisip araw araw..4 months post partum ka pa naman din. 3rd. Yung asawa mo ang pag bayarin mo dun sa bill. Or baka naman hindi na pabayarin ng MIL mo kasi pra sa apo naman nya yun. 4th mag PRAY ka na lakasan ang loob mo na kaya mo ipag tanggol ang sarili mo at anak mo. Mas ok na kasama mo anak mo, mommy. Ganun tlga.. nakaka stress minsan ang mga MIL. Kausapin mo. Pasama ka pag umuwi ka dun sa province. Baka mmya kaya kayanin ka lang non. Wag papayag.

Magbasa pa

Kunin mo ang anak mo :( nanay din ako kaya naiintindihan ko ang nararamdaman mo, anak ko nga makita o marinig ko lang na umiiyak hinde ko na kaya panu pa kaya yang malayo sayo, kaya kunin mo ang anak mo, tsaka mo na ulit isipin yang mga bills niyo pag nakuha mo na ulit si baby, gusto mo ba na masanay yung baby sa kanila tapus hinde na lalapit sayo anak mo habang papalaki siya ng papalaki?kaya kunin mo ang baby mo hayaan mo yang byenan mo na magalit sayo anak mo yun eh wala siyang magagawa pag kinuha mo, kung awayin ka niya edi lumaban ka wag kang papayag na saktan ka momsh.

Magbasa pa

bago man ako mabuntis sinabi ko na sa partner ko na ayaw ko tumira sa kanila kahit mabait pa yung magulang nya. kung gusto nya sya tumira samin. at ganun nga nangyare sya ang tumira samin. ayoko kase ng may nangingialam sa pagaalaga at pagdidisiplina ko sa mga anak ko kahit nga sarili kong nanay di ko hinahayaang diktahan ako sa diskarte ko eh. kunin mo ang anak mo. di ba obvious tinatanggalan ka ng karapatan sa anak mo. kaya hanggat maaga pa kunin mo na. wag mo na hintaying lumaki ung bata na hindi ka kilala kase mahihirapan kana mabawi sya

Magbasa pa

Dapat mommy hindi mo iniwan si baby don, dapat kung nasan ka, andon din ang anak mo tignan mo kung pano nya alagaan. Baka mamaya pinapalo na yon don. 4months? Pinapainom na ng tubig masama pa kay baby yun pati cerelac rice hindi pa kaya ng tummy nya yon baka mag kasakit lang ang anak mo. Kunin mo sya, hayaan mo magalit yang mother in law mo may mas karapatan ka sa bata dahil ikaw ang nanay nyan at ang batas natin 7years old and below dapat nasa custody ng nanay ang pag aaalaga, mas maging matapang ka kahit mother in law mo yan.

Magbasa pa

Aq sau kht cla pa gumastos sa lahat di un pasess pra gawin nla gsto nla kc ikaw ang nanay at hnd cla tumulong cla salamat ng malaki pero kng ung pag tulong nla magiging kapalit nun ih palitan ka sa posisyon bilang nanay mali un wag mo hayaan na ganyanin ka ng mil mo andun ung pgrespeto sakanila dpat meron dn cla respeto sau bilang nanay ng bata wla cla karapatan gawin un sau mapipilitan aq suwagin cla kapag aq nasa posisyon mo anyway asan. Ba kc parents mo dn pra sna parents mo mismo dn mag alaga sau

Magbasa pa

Hay naku! Parang pinapasa mo stress mo sa amin. Kung ako sayo habang maaga pa kukunin ko n na anak ko sa kanila. Saka bakit mo iniwan ang bata kung ganun ang ginagawa..Dios ko hindi ikaw ang kawawa dito..ung anak mo.mag isip ka. Dapatc prioty mo si babay hindi ung utang o utang na loob..anak mo un ikaw ang pinaka may karapatan dun. Kesa mabaliw ka diyan kakaiisip kung kumusta na ang anak mo..kunin mo nalang..sabi mo nga nasa abroad si mister mo hayaan mo munangv siya muna ang mag work

Magbasa pa

Momsh dapat hindi mo iniwan nag anak mo sa biyenan. Dapat isinama mo na lang. Alam mo momsh Ftm din ako pero gusto ko ako masusunod pag dating sa baby ko. Di masamang makinig sa payo ng mga nanay at biyenan. Pero sa pagdedecide ikaw ang masusunod dahil ikaw ang nanay ng apo nila. I feel you momsh. Nasa postpartum depression ka na gusto mo agad magwork. Ganyan din ako noon. Balikan mo si lo momsh. Kawawa namn kung hindi ikaw ang makikilalang ina niya. Go momsh fighting.

Magbasa pa