BAKIT

Share ko lang sana napagdaanan ko mga 1 week na. I'm 20 weeks preggy na po. After sumahod ni mister nung nakaraang araw, washed out po lahat ng sweldo nya dahil ang daming naming babayarin/utang kasama na dyan ang sa apartment 3500. Wala syang natanggap na incentives kasi ang hina ng benta so basic salary lang nakuha nya 5k+. Ang hirap ipaintindi sa kanya mommies na lagi akong nagugutom, kailangan kung kumain, nasundan kasi si baby wala pang 2y.o kaya nagdedede pa sakin. 2x a day lang kami nakakain mag wa-1 week na. Tiniis ko nalang kasi kahit anong away ko sa kanya wala eh, baliwala sa kanya (ganito din nangyari sakin sa 1st born ko) tinitiis yung cravings. Grabi gutom na nararamdaman ko syempre dalawa sila need ng supply ko pero bakit di maintindihan ni hubby yun? Kada mag o-open up ako sa kanya na bakit sya ganyan, bakit pinapabayaan nya na gutumin kami sasabihin nya lang nagtatry naman syang mangutang pero wala talaga syang makitang mautangan. Minsan napapaisip ako eh, kung manglimos nalang kaya ako? As if may magbibigay diba? Kung hindi lang siguro ako buntis nagtatatrabaho na ako ngayon kaso nag stop lang ako nun kasi walang matinong mag aalaga sa panganay ko kaya heto nasundan. I'm thankful naman kasi gusto ko may kalaro din sya. Isa ko pang problema hanggang ngayon wala parin akong tinatake na vitamins o kahit anong gamot kasi di pa ako nakakapagpa prenatal. Zero na zero talaga kami ngayon. Sobrang hirap ng buhay parang ang sarap ng mag give-up. Hindi katiwa-tiwala pero yan po yung sitwasyon namin ngayun. Ok na sana nung nag o online business ako pero na stop dahil kailangan kong ibenta phone ko kay partner tung phone na ginagamit ko which is gabi lang talaga ako makakaonline at malibang ko yung sarili ko. Any advice po ba? Ano po dapat gawin? Wala na akong mahihingan ng tulong. Nag woworied lang naman po ako samin ni baby at ng ate nya. Sa partner ko, ano pa po bang kailangan kong gawin para hindi nya na kami gutumin. Lagi nyang dinadahilan na walang pera *which is totoo naman* pero kailangan ba talaga kaming mag sacrifice ng ganito? Help me pray moms na sana bukas complete meal na kami ni baby. Miss ko na mabusog. :(

50 Replies

Stay strong mumsh. Siguro po try nyo himingi ng tulong sa family mo or sa in laws mo. Ang hirap kasi ng sitwasyon mo lalo na naiipit yun basic needs nyo mag-ina. Try nyo din po pumunta sa public hospital or clinic na malapit sa inyo para macheck up kayo at mabigyan ng libreng vitamins. Pagdasal ko po maibsan ang nararanasan nyo ngayon mumsh. ❤️

VIP Member

Punta ka sa health center para libre vitamins at check up ni baby. Hiram ka muna kahit sa parents mo kahit pang 1week na pangkain lang. Suggest ko lang po pwede po kayo magtanim maski sa paso kahit tag dalawang puno ng talong okra chinese kangkong sili kamatis maigi na lang din po pangtanggal gutom. Pasensya na po sa mao offend ko

Nakakapagprovide naman po si hubby mo. Di lang sapat, oo. Pero tulungan dapat kayo. Try to understand him. Nastress din po yan kagaya mo. Partners kayo. Di kayo judges ng isa't isa. Regarding sa vitamins naman, try mo po sa health centers. Mas mura (may mga nagbibigay ng libre) dun. Kakayanin mamsh. Tiis pa ng konti

Ang hirap nga ng ganyang sitwasyon, sa center po libre ang mga gamot. Ako malakas ako kumain, hinahayaan lang ako ng asawa ko kanya kanya kase kami ng sahod. Siguro ang magandang gawin hanap ka ng pagkakakitaan, magtulungan po kayo kase tlagang di kakayanin pag sahod lang ni hubby ang aasahan po.

Sakto lng din para saming dalawa ni hubby sahod nia nun ngayon 21wks na kong buntis kulang na din para samin.. konting higpit lng sa budget and priorities yung needs kesa sa want.. nakakaahon din kayo.. Sabi nga ni hubby mababawi mu din lahat.. Para kay baby naman yan.. fighting..

Yung asawa ko din po mommy minsan tlaga dunadating sa point na wala tlaga natitira partida dlawa pa kami nag wowork pero hndi nya ko tinitipid sa pagkain sya pa nga bumibili minsan e nagagalit sya pag di ako kumakain hehehe im 23 weeks preggy po 😊

Kaya mo yan girl iwasan na lang ang sisihan at pagod din yang si hubby mo sa work at gutom din. Mahal kayo niyan stressed lang siya. Kaya do your part na kahit gutom intindihin siya kasi alam mo naman na gipit talaga eh. Makakaraos din kauong dalawa.

Ganyan din ako noon. Hirap talaga ng nagugutom parang nagbabago isip mo. Baka naman makapag budget ka ng kahit murang bigas tsaka mga murang ulam kagaya ng gulay. Basta makakain lang na hindi kailangang mangutang. O makakain lang kahit 3x a day.

Pwede naman sa center ang pre natal, may ibibigay sila free vits for you, kung walang wala dun ka magpacheck up then isipin mo nalang yung trans v mo at ultrasound, wag mo hayaan na wala ka check up to know kung ok ba si baby sa tiyan mo

VIP Member

hm. naaawa ako sa sitwasyon mo sis. 😢 I'll pray for you and to your two baby. Sana nmn kht papano magawan ng partner mo na makakain ka ng maayos para nmn sa mga baby niyo yan e. Keep strong sis.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles