BAKIT

Share ko lang sana napagdaanan ko mga 1 week na. I'm 20 weeks preggy na po. After sumahod ni mister nung nakaraang araw, washed out po lahat ng sweldo nya dahil ang daming naming babayarin/utang kasama na dyan ang sa apartment 3500. Wala syang natanggap na incentives kasi ang hina ng benta so basic salary lang nakuha nya 5k+. Ang hirap ipaintindi sa kanya mommies na lagi akong nagugutom, kailangan kung kumain, nasundan kasi si baby wala pang 2y.o kaya nagdedede pa sakin. 2x a day lang kami nakakain mag wa-1 week na. Tiniis ko nalang kasi kahit anong away ko sa kanya wala eh, baliwala sa kanya (ganito din nangyari sakin sa 1st born ko) tinitiis yung cravings. Grabi gutom na nararamdaman ko syempre dalawa sila need ng supply ko pero bakit di maintindihan ni hubby yun? Kada mag o-open up ako sa kanya na bakit sya ganyan, bakit pinapabayaan nya na gutumin kami sasabihin nya lang nagtatry naman syang mangutang pero wala talaga syang makitang mautangan. Minsan napapaisip ako eh, kung manglimos nalang kaya ako? As if may magbibigay diba? Kung hindi lang siguro ako buntis nagtatatrabaho na ako ngayon kaso nag stop lang ako nun kasi walang matinong mag aalaga sa panganay ko kaya heto nasundan. I'm thankful naman kasi gusto ko may kalaro din sya. Isa ko pang problema hanggang ngayon wala parin akong tinatake na vitamins o kahit anong gamot kasi di pa ako nakakapagpa prenatal. Zero na zero talaga kami ngayon. Sobrang hirap ng buhay parang ang sarap ng mag give-up. Hindi katiwa-tiwala pero yan po yung sitwasyon namin ngayun. Ok na sana nung nag o online business ako pero na stop dahil kailangan kong ibenta phone ko kay partner tung phone na ginagamit ko which is gabi lang talaga ako makakaonline at malibang ko yung sarili ko. Any advice po ba? Ano po dapat gawin? Wala na akong mahihingan ng tulong. Nag woworied lang naman po ako samin ni baby at ng ate nya. Sa partner ko, ano pa po bang kailangan kong gawin para hindi nya na kami gutumin. Lagi nyang dinadahilan na walang pera *which is totoo naman* pero kailangan ba talaga kaming mag sacrifice ng ganito? Help me pray moms na sana bukas complete meal na kami ni baby. Miss ko na mabusog. :(

50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Anhirap pa naman kapag buntis.. palageng gutom. Ok lang sana kung tayo lang eh .. tubig lang ok na .. makakapag diet pa eh kaso dalawa na kayo sa katawan mo na hindi pede pabayaan...

VIP Member

Sa center ka na lang sis magpacheck up tsaka dun libre ang vitamins.. Kame ni hubby ganyan din ung sahod nia sakto lang pero nakakaraos kame at wala nman utang..

Wala ba kayong family both side ? Kahit mga kapatid ? Bat di muna kayo manghingi ng tulong sa knila ... Tas bayaran nyo nlng pag makakapag work kana...

Sa health center na lang po kayo magprenatal atleast nakapagpa’check up ka pa din tsaka may libre pang vitamins

TapFluencer

Mii taga san ka po? Kung around rizal or taytay ka lang i can give you prenetal vitamins po.

Hays. Lahat po ng problema may solution, Sana maging okay na po sitwasyon niyo..

VIP Member

what if recommend mo kay hubby mo na maghanap ng work with much higher income?

Try mo po sa health center may free vitamins po sila.

taga san kba? baka malapit ka lng momsh?

😥😥